Tumigil na sa pagmamanman si Nathan mula sa malayo gamit ang binoculars nang umalis ang kotse ni Langdon sa sementeryo. Nagawa na niya ang dapat gawin para sa unang phase ng kaniyang plano kaya oras na para simulan ang pangalawa. Tinawagan niya si Lucy na agad na sumagot.
"Mukhang nalaman na nila ang tinatago natin. It's time I used the man for real. Alam mo na ang gagawin mo."
Ibinulsa niya ang cellphone saka naglakad patungo sa kabayo.
KANINA pa pinapag-init ni Yvonne ang asawa ngunit wala man lang itong kare-reaksiyon. He's not hard and he's not responding to her even when she's on her knees working to unzip his jeans.
"s**t!"
Tumayo ito mula sa pagkakaluhod at ibinalik ang roba sa hubad na katawan saka nagsindi ng sigarilyo at umupo sa kama.
"Kailangan natin ng anak, Langdon! Kailangan natin ng magiging tagapagmana! Kailangan mo akong sipingan kahit ayaw mo!"
Langdon just sighed and laid on the king size bed.
"Get out, Yvonne. I didn't tell you to come here," malamig na saad nito. Inilagay ang braso sa ulo bago pumikit.
"I don't want to come here but your mother asked me to check on you." Umismid ito saka nagbuga ng usok. "I could have my orgasm somewhere but I can't bear a child with other man's DNA. Mahigpit ang pamilya mo."
"I'll send the annulment papers to you as soon as possible. Hindi ko nga alam kung ano pa ang rason mo kung bakit ka pa nakakapit sa akin. Our families both got what they wanted. It's time to separate."
Nasasaktan ang matang nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. "Too excited to get rid of me?" Natawa ito kalaunan. "Now I finally understand that pitiful girl. Noong una, hindi ko siya maintindihan kung bakit isinisiksik pa niya ang sarili sa iyo kahit klaro namang wala siyang puwang diyan sa puso mo pero ngayon, I think I can empathize with her."
Tumayo ito at iningudngod ang sigarilyo sa ash tray. Yvonne looked at Langdon's eyes with bitterness. "I need the papers this week or sooner. Make it fast. Sumusuko na ako sa iyo. Gusto ko nang mawala sa pangalan ko ang apelyido mo."
Isa-isang pinulot nito ang mga damit sa sahig pero bago ito umalis ay nag-iwan muna ito ng tanong sa kaniya.
"Sino ba talaga ang kasalukuyang minamahal mo sa kanilang dalawa, Langdon? Si Casindra ba o si Alcindra?"
Nabaling ang kaniyang tingin dito sa narinig.
"Why? You think the question is too odd? You think you didn't love Alcindra?" tanong nito na parang nabasa ang nasa isip niya. Ngumiti ito nang nakakaloko. "Oh come on, genius guy. Everyone around you can tell that you're not really moving on from Casindra anymore. It's Alcindra this time. Malas mo lang at pareho nang patay ang dalawa dahil sa iyo."
She shut the door after her back but Langdon is still seeing Yvonne on his front speaking the truth that he has been denying all this time.
Was he really in love with Alcindra? Wasn't it just guilt that is eating up on him that he is mistaking for love? What about Casindra? Has he really forgotten about his first love?
"WHAT are you thinking? Kanina ka pa walang imik." Niyakap niya ang hubad na katawan ng kasintahan at hinapit ito palapit sa kaniya.
Cas looked at him tearily.
Her lips trembled. "I'm scared."
Natigilan si Langdon. "Of what, Cas?"
"Of our families, Lang. Takot ako. Takot na takot ako sa gagawin nila kapag nalaman nila ang relasyon natin. Takot ako sa gagawin nila sa iyo, sa akin. I'm scared of everyone. Buong buhay ko ay gusto kong maging karapat-dapat sa pangalang ito pero kapag nalaman nila ang ginagawa ko, I know they will look at me with disdain again. I'm scared of disappointing my parents and my abuelos, Lang. I'm really scared."
Hinigpitan niya ang yakap dito at siniil ito ng halik. It pains him to see her suffering like this. Gagawin niya ang lahat para maging masaya ito gaya ng pangako niya sa sarili sa sandaling nagsimula siyang manligaw dito.
Maingat niyang hinawakan ang maliit na mukha nito at pinaharap sa kaniya.
"Then marry me, Cas. Papakasalan kita ngayon din saka tayo pupunta sa Amerika malayo sa mga pamilya natin, sa lahat ng ito. I'll give you everything there, my love."
Bumangon siya sa kama at pinulot ang pantalon sa sahig ng hotel. Sa pocket nito ay inilabas niya ang singsing na palagi niyang dala. Bumalik siya sa kama at masuyong kinuha ang kamay nito.
"My father gave this to me when he was still alive. It's a ring from his grandmother. It's nothing fancy but it symbolizes loyalty and love."
Sinalubong niya ang naluluhang mata nito. "With this ring, I promise my love and loyalty to you, Casindra. Will you accept it, my love?"
Ilang sandali muna ang nagdaan bago ito tumango. "Oo. Sasama ako sa iyo, Lang. I'll be your wife. Take me away from here."
He kissed her gently and put the ring on her finger.
"Medyo maluwag. Ilagay na lang natin sa thumb mo."
Hinubad niya ang singsing at inilipat sa hinlalaki nito.
"Perfect. You're perfect my love."
Pinahid niya ang mga luha nito at hinalikan sa ilong. "Hindi ka magsisisi. I'll make you happy, Cas. Kung hindi ka nakaramdam ng pagmamahal sa pamilya mo, ako ang pupuno dun. I'll make you the happiest."
"You're already making me the happiest woman by loving me, Lang. Tandaan mo, kahit na ano ang mangyari, sa iyo lang ako. I'll always come back for you, for our love."
"You're making me blush."
She smiled happily. "I love you."
He returned the smile. "I love you more," he whispered before sealing their engagement with a kiss.
"OO na! Wala na silang lahat! Iniwan na nila ako! Pinatay nila ang pamilya ko! Tumigil ka na! Wag ka nang paulit-ulit!"
Pinanood lang ni Casindra mula sa bahagyang nakapinid na pinto kung paano tabigin ni Karina ang mga gamit na nasa gilid nito. Nabasag ang mga ito at tumalsik dito ang iilang bubog. Tumulo ang dugo mula sa kamay nito.
Her eyes widened upon seeing the blood on her hands and she began slapping herself.
"Ayoko na! Pagpahingahin niyo na ako! Pakiusap! Maawa na kayo! Ayoko na sabi. Ayoko nang mabuhay!"
That's when she decided to come in but Karina stayed on her position. She's still gripping her head too tightly.
"It's okay, Karina. You'll be okay," ani niya sa malumanay na tinig kasabay ang pag-upo sa kama sa tabi ng pinsan.
Nagtaas ito ng tingin sa estrangherang may malalamig na mga mata.
"Sino ka? Bakit ako narito? Bakit mo pa ako iniligtas? Ayoko na. Ayoko nang mabuhay."
"Hush. Hush." Inabot niya ito at marahang niyakap. "Dying is the last thing you should be thinking. Isa kang Alcantara. Nananalaytay sa dugo mo ang pagiging isang miyembro ng isang malakas na angkan. Walang nagpapaapi sa atin. Walang tumatalo sa atin. We're so wealthy they could only stare at us in envy. We're so powerful we could kill anyone we want so stop making yourself a mess."
Nabasa niya ang kalituhan sa mga mata nito. Casindra knows she got it. She's now fixated on the idea.
"Kill?" marahan nitong ulit sa salita, animo nahihipnotismo habang nakatitig sa malalantik na pilikmata niya.
Tumango si Casindra at hinaplos ang pisngi nito. "Yes, baby. Kill. Murder. We could do that to anyone. That's how powerful we are."
Biglang bumangis ang mukha nito. Kumuyom ang mga kamao nito at umiling. "Gusto ko silang patayin. Gusto ko silang patayin pero wala akong laban sa kanila. Wala."
Casindra smiled. "Shhhh. That's why I'm here. I'm here for you. Just do what I wanted you to do and I'll help you kill whoever is making all these sufferings to you. Oh, what a poor baby."
Mula sa likod ay narinig niya ang mabibilis na yabag. It must be Zen. Hindi nga siya nagkamali nang marinig ang warning sa boses nito.
"Casindra!"
Magkasabay silang kumilos ni Karina para lingunin ang nagsalita sa galit na tinig.
"Get off her!"
Agad nitong dinala sa bisig ang kapatid at sa nagbababalang tinig ay pinagbantaan siya.
"Don't you dare put your poisonous words into her mind unless you wanted to be completely cut off from entering the vicinity of Monte Vega, you understand me?"
Naging mapang-uyam ang ngiti niya nang tumayo siya para harapin ang lalake.
"Chill, Zen. I was just giving our newest family member a welcome hug. Besides, wag kang masyadong magmalaki diyan. Nauna ka lang. I'm still an Alcantara so I have every right to be in Monte Vega." Bumaling siya kay Karina na parang basang sisiw na nakakapit sa lalaki. "Welcome home, cousin. I can't wait to play with you."
Iniwanan niya sila ng isa pang ngiti bago lumabas sa pinto.
"Sandali! Hindi pa tayo tapos. Tutulungan mo pa ako," pigil pa nito sa kaniya kaya tumigil siya sa pinto.
"Karina, don't listen to her. She's just using you. Whatever she had told you, forget all of it."
Itinulak nito palayo si Zen at tinakpan ang mga tenga.
"Kalimutan?! Makakalimutan ko na sana kung hindi niyo na ako iniligtas! Ayoko nang mabuhay sabi. Gusto ko na lang sumunod sa anak ko! Ang gusto ko ay maghiganti! Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nilang lahat!" Pinukpok nito ang ulo. "Tama na... Tumigil na kayo... Gusto ko na lang na magpahinga na. Pagod na ako."
Kinagat ni Casindra ang labi nang hindi mapigilan ang sarili na may maalala sa eksena.
"You need to rest again, Karina. I'm sorry but I have to put you to sleep again."
Tinurukan ito ni Zen nang pampatulog at maya-maya pa ay mahimbing na itong natutulog.
"Sleep now, Karina. I promise you that everything will be okay. You're home now."
Naniningkit ang mga matang nilapitan siya nito at hinila palabas sa silid ng kapatid.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Cas? At bakit hindi ka pa sumusunod kina Tatiana? Bakit narito ka pa rin sa Monte Vega?"
Sumandal siya sa dingding at nagkibit-balikat. "The last time I checked, I'm still an Alcantara kaya may karapatan pa rin akong tumapak sa lupain ng aking ama."
Nagbuga ito ng sumusukong hininga. "You know that's not what I mean. I'm sorry about earlier. Nabigla lang ako sa mga narinig ko. Delikado ang lagay natin dito kapag nagtagal pa tayo rito. We're flying to France tomorrow morning, Cas. Number one priority ko si Karina kaya hindi kita masyadong mapoprotektahan kapag nanatili ka rito. Go get your bags. Ihahatid kita sa mga Hermosa ngayon din."
"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin, Zen. You have no right to tell me what to do. If I wanted to be here then I'll be here. Hinarap ko na ang kamatayan minsan. Walang mawawala sa akin kung haharapin ko uli siya ngayon. Hindi ako takot na mamatay 'di kagaya niyo."
Tinalikuran niya ito pabalik sa kotse.
"You may not admit it right away but I know why you're here. It's because of that damn f*****g man again. Wag kang magkakamaling balikan ang lalaking iyon, Casindra! Alalahanin mo kung anong ginawa niya sa pinsan natin. Pinatay niya ng walang kaawa-awa si Alcindra."
Kinuyom niya ang mga kamao at hinarap ang pinsan.
"Langdon and I are over, Zen. We're over. Hinding-hindi na ako babalik pa sa kaniya." Nagsimulang manginig ang kaniyang boses. "I'm here for a mission. I'm here to avenge Alcindra myself. Kung kailangang gawin ko rin ang ginawa niya sa pinsan ko, gagawin ko. I still love him but I know that we don't have a future anymore. Sinira niya lahat ng mayroon ako. Sinira niya ako."
Zen fell silent. Gusto niyang yakapin ang pinsan pero pumipigil sa kaniya ang galit sa mga mata nito. Hindi na niya ito makilala. It's like she's a different person now.
"God, what really happened to you, Cas? Bakit ayaw mong sabihin sa akin kung ano ang nangyari noong mga taong nawala ka?"
She gave out an empty laugh. "You don't have to know, Zen. Kahit sino ay magbabago kapag napagdaanan nila ang mga napagdaanan ko gaya ni Karina. I just hope that she will not end like me."
Itinuloy na niya ang pag-alis at iniwan ang natitigilang pinsan.