GEORGE
What should I do? I tried to be calm on the outside but deep inside I was ready to go on all out panic mode. Habang papalapit siya nang papalapit sa dingding ay mas lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib. I need to do something!
"Coffee!" malakas kong sigaw dahilan upang mapalingon siyang bigla sa akin. "I'll make you another coffee," anunsyo ko saka mabilis na hinila ang kanyang kamay papalabas ng aking kwarto. Hindi ko sigurado kung sapat iyon upang maaalis sa kanyang isip ang naranig. Ngunit abot langit ang aking dasal na sana'y pakinggan ako ng lahat ng santo sa aking dasal.
Halos lakad takbo ang aking ginawa upang mas mabilis naming marating ang kusina. Hanggang makarating kami roon ay hindi ko pa rin binibitawan ang kanyang kamay. Nang marating namin ang kusina ay natataranta akong lumapit sa coffee maker. Dahil na rin sa aking pagkataranta ay nakalimutan kong mainit nga pala iyon kaya napapitlag ako ng hawakan ko iyon.
"F*ck!" malakas kong mura bago iyon binitawan.
"Are you okay?" agad na tanong nito sa akin bago akmang muling lalapit ngunit agad akong lumayo upang hindi ito tuluyang makalapit sa akin.
"I'm fine. Just sit down while I prepare your coffee," kinakabahang turan ko.
Tahimik lamang itong sumunod sa aking utos saka marahang umupo sa upuang nasa harap ng lamesa. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong binabanggit tungkol sa nangyari kanina kaya bahagya akong nakahinga. Mukhang wala pa itong nahahalata.
Makalipas ang ilang minuto ay handa na muli ang kape. Kumuha ako ng panibagong mug na siyang ginagamit ko sa tuwing may darating akong bisita. Makailang beses muna akong lumunok bago tuluyang humarap kay Grant matapos kong magsalin ng kape sa tasa.
Walang imik kong inabot sa kanya ang kape saka isinunod ang lalagyan ng asukal at creamer. I don't know how he likes his coffee kaya hindi na ako nagbalak na timplahan iyon.
"No, thanks. I like my coffee black," agad nitong turan matapos kong iabot ang mga garapon. Matiim itong nakatitig sa akin habang may bahid ng pilyong ngiti sa kanyang mga labi.
Nang mapapatitig ako sa kanyang mukha ay bigla akong nilukob ng kaba. Hindi nakatakas sa akin ang makahulugang ngiti sa kanyang mga labi. Nagbabadya iyon ng isang mapanganib na kaganapan. Napalunok ako habang nakakatitig sa kanya at naramdaman ko ang butil ng pawis na nagsisimulang tumagaktak.
"So..."
"What?!" mabilis kong sagot dahil sa aking pagkagulat. Iba talaga ang nagagawa kapag guilty ka.
Mas lalo lamang lumawak ang ngisi sa kanyang labi nang makita niya ang aking reaksyon. "Shall we talk about it now?" umpisa nito.
"T-Talk about what?" maang-maangan ko. There's no way in hell that I would admit what I've been doing in my room.
"Let's cut the chase. We both know what I'm talking about," wika nito matapos humigop ng kape. Ibinaba nito ang tasa saka pinagsalikop ang kanyang mga kamay at ipinatong ang siko sa ibabaw ng mesa. Kasunod noon ay ipinatong niya ang kanyang baba sa ibabaw ng kanyang kamay habang matiim na nakatitig sa akin at naghihintay ng aking sagot.
Ano nga bang dapat kong isagot? Na oo, naririnig ko ang bawat ungol at halinghing niya sa tuwing may kaniig siya and worst ginagamit ko iyong inspiration sa aking nobela?
I don't know how would he take it. Pero tingin ko naman ay hindi nito mamasamain iyon kung sakali dahil nasa hilatsa naman niya ang pagiging wild.
"Okay, fine!" turan ko saka itinaas ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko. "What do you want to know?" tanong ko saka humalukipkip sa kanyang harap.
"How was it?" tanong nito bago muling humigop ng kape.
"How was what?" naguguluhang ulit ko.
"How was my performance?" tanong niya.
"How would I know? Naririnig ko lang naman kayo hindi ko kayo nakikita. Hindi ko naman p'wedeng masukat ang perfomance mo dahil lamang umaabot ka ng anim na oras sa kama," sagot ko saka umiwas ng tingin. Pilit ko lamang pinapatapang ang aking panlabas ngunit sa loob pakiramdam ko ay mawawalan ng lakas ang aking mga tuhod anumang oras.
"So you did heard us," turan ni Grant.
"You already knew that!" mataray kong turan sa kanya. Ngunit bahagya akong natigilan ng mapagtanto kong ako mismo ang nagbenta sa aking sarili. "Didn't you?" paninigurado ko.
"I had a hunch but I always give a benefit of a doubt. Malay ko kung umaalis ka everytime I had someone over. But judging that you exactly knew how long I last..." bitin nito. Hindi na nito itinuloy ang sasabihin bagkus ay pilyo itong ngumisi sa akin habang mariing nakatitig.
Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay sasabog ang aking ulo dahil sa labis na pagkapahiya. Ramdam na ramdam ko rin ang pumumula ng aking mukha. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso.
"I-I..." I tried to come up with an excuse but I'm just lying to myself. Ano bang p'wede kong idahilan sa nangyari. I'm so f****d up!
"So, you've been listening, huh?" turan nito saka sumandal sa upuan habang nakataas ang sulok ng kanyang labi at mariing nakatitig sa akin.
"So, what?!" inis kong turan. "Why should I feel guilty when in fact you're the one who's not minding someone else's privacy by moaning like horse!"
"Point taken," nakangisi pa ring sagot nito. "Besides, no one is accusing you of something," dagdag pa niya.
He's right. Masyado nga ata akong naging defensive sa naging reaksyon ko. Ngunit bukod pa doon ay labis ding nakaapekto sa akin ang kaisipang alam na niya na nakikinig ako sa kanya sa bawat gabing mayroon siyang kaniig.
"I'll just lower down my voice whenever I'm having s*x," turan niya.
"Don't!" dali-dali kong pigil sa kanya na labis namang ipinagtaka ni Grant.
Ngunit makalipas ang ilang saglit ay napalitan din nang mapaglarong ngisi ang gulat sa kanyang mukha. Maya-maya pa ay tumayo ito mula sa kinauupuan niya at marahang tinahak ang aming pagitan. Hindi ko naman alam kung anong gagawin dahil tila muling napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan.
"I didn't saw you for an exhibitionist. Do you like hearing people moan in pleasure....hmmm," bitin nito sa kanyang sinabi saka umaktong tila nag-iisip. "Come to think of it, I haven't got your name," wika niya saka itinukod ang kanyang mga kamay sa sink na kinasasandalan ko at saka ako ikinulong sa pagitan ng kanyang mga braso.
"G-George, t-that's my name," nauutal kong turan. Halos mahigit ko ang aking hininga dahil sa lapit ng kanyang mukha sa akin.
"Now, George, tell me. Do you like hearing people moan in pleasure?" pabulong at mapang-akit nitong tanong.
Damang-dama ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa akin mukha sa tuwing siya ay magsasalita.
"I-It's not like that!" mariing tanggi ko saka pilit na pinatapang ang aking mukha at tinig upang hindi nito mahalata ang abot-langit kong kaba.
"Then what, George? Why shouldn't I stop making noises when I'm having s*x like you want?" bulong nitong muli.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya ang totoo. Ngunit mas nanaig sa akin ang manahimik at hayaan ito sa kanyang tanong.
"Well then, I don't see any reason why would I let the noise of my private moments disturb you in any way possible. So—" turan nito saka akmang tatalikod ngunit bago pa man nito matapos ang sasabihin at tuluyang makaalis ay agad ko na iyong pinutol.
"I need it for my novel!" pikit-matang turan ko.
I heard him chuckled. "You need it for what?" natatawang tanong nito.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago dumilat at nagsimulang ipaliwanag dito ang aking kalagayan.
"I'm an erotic novel writer," turan ko.
"And what does it have to do with you listening to me?" tanong niya.
"Lately, I'm suffering from writer's block. At nawawala lamang iyon sa tuwing maririnig kitang may ka-s*x," tila namimilipit ako habang unti-unting pinapaliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit hindi niya dapat itigil ang kung anumang ingay na kanyang ginagawa gabi-gabi.
"Hmmm.." wika nito saka bahagyang hinaplos ang kanyang baba habang tila nag-iisip ito habang nakatitig sa aking mukha. "You're basically making money out of my moans," he said.
Agad namang nanlaki ang aking mata dahil sa kanyang tinuran. "Hindi gano'n 'yon!" giit ko.
"Aren't you getting paid for writing a novel?"
"Y-Yes," alanganin kong sagot.
"Then I'm right. You're making money out of me," giit niya.
Napahawak na lamang ako sa aking noo dahil sa kanyang tinuran. But the thing is, he's right. Kung titingnan mabuti ay totoo ang kanyang sinasabi. Ginagamit ko siya upang makapagsulat. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago muling nagsalita.
"Fine! What do you want?" tanong ko sa kanya nang mapagtanto ko kung ano ang tinutumbok niya. "Come on, tell me!" pagmamadali ko sa kanya.
"Woah! Chill. I don't want to waste my wish," wika nito na tila ba isang genie ang tingin niya sa akin.
"Anong wish? Anong akala mo sa akin genie?" mataray kong turan sa kanya. "Sa totoo lang hindi ko naman kailangang gawin ito. Isipin mo na lang na bayad mo iyon sa kapeng iniinom mo," dagdag ko pa.
"So we're even now?" tanong niya. "Bayad ko na ang kapeng iniinom ko. That means I don't have any reason to let you listened to me while I'm doing my thing."
"Teka, teka!" agad kong pigil sa kanya ng akmang tatalikod na iyon. "Fine! Anong gusto mong gawin ko kapalit ng pakikinig sa 'yo?" matapang kong tanong.
"Hmmm... I still have a lot of unwashed clothes—"
"Done," mabilis kong sagot. "Iyon lang?"
"I'm so fed up of fast food—"
"Done," sagot kong muli. "Meron pa ba?"
"I'm not really used to cleaning my house," wika nito saka muling sumulyap sa akin.
"Bakit hindi ka na lang kaya kumuha ng katulong?" taas-kilay kong turan sa kanya.
"Ayaw mo?" naghahamong tanong nito.
"Oo na!" mabilis kong sagot saka umirap sa hangin.
"You know what, I have a better idea. Why don't we just do it. Hindi ba mas marami kang masusulat no'n?" pang-aasar niya.
"Hell no!" mariing kong turan habang halos lumuwa na ang aking mata sa pagkagulat dahil sa kanyang sinabi. "Over my dead body!" dagdag ko pa.
"Gorgeous body, I must say," wika ni Grant saka masusing sinipat ang aking kauubuan.
"Bastos ka talaga!" inis kong sigaw dito. Kinuha ko ang walang laman na plastic na pitsel sa aking tabi saka malakas iyong ibinato sa kanya.
Mabilis naman itong nakailag saka humalakhak na lumabas ng kusina. Agad ko naman itong sinundan saka muling binato ng unan nang makarating kami sa salas. Humahalakhak lamang nitong sinalo ang lahat ng ibinabato ko sa kanya.
*****************