GEORGE
Malakas kong ibinagsak ang laundy basket dahilang upang gumawa iyon ng malakas ng ingay. Ngunit tila bingi si Grant na hindi man lamang kumibo. Naniningkit ang mga mata kong tinitigan siya ngunit mukha sinasadya talaga nitong hindi pansinin ang presensya ko. Bumuga ako ng isang malalim na buntong hininga saka pagdabog na pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Matapos iyong maibalik lahat sa loob ng laundy basket at agad akong lumapit sa sofa kung saan prenteng nakaupo si Grant at nanunuod ng TV habang ang dalawang paa ay nakataas sa maliit na lamesang nasa kanyang harapan. Nang makalapit ako sa kanya ay malakas kong binitiwan ang bitbit kong laundry basket malapit sa kanya. Ngunit hindi ko inaasahang matatamaan pala ang kanyang binti dahilan upang mapasigaw ito sa sakit.
"Ouch! F*ck!" malakas niyang sigaw saka mabilis na niyakap ang binti at tila namimilipit sa sakit na napahiga sa sofa. "What's your problem? Bakit ka ba nananakit?!" bulyaw niya sa akin.
"Mabuti naman at pinansin mo na ako. Kailangan ka pa palang masaktan bago ko makuha ang atensyon mo," mataray kong turan sa kanya habang magkakrus ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib.
"What do you want?" inis niyang tanong habang nakangiwing hinihimas ang kanyang binti na tinamaan ko kanina.
"What do I want? Really? Iyan ang tanong mo?" sarkastikong turan ko sa kanya. "I've been slaving myself for a week now! But until now you haven't done your part. Malapit na ang deadline ko at imbes na nagsusulat ako ay nagpapakapagod akong linisin itong napakadugyot mong apartment!" Halos habol hininga ako nang tuluyan akong matapos sabihin sa kanya ang mga hinanakit ko. "Sabihin mo sa akin kung may balak kang tuparin ang usapin natin. Kasi kung wala hindi ko na aaksayahin ang oras ko sa paglilinis ng apartment mo at igugol ko na lang lahat ng enerhiya ko sa pagsusulat!" Nakapamaywang ako habang dire-diretso ang aking salita. Bahagya pa akong napaatras nang bigla itong tumayo sa kanyang kinauupuan at mabilis na lumapit sa akin dahilan upang maging halos isang dangkal na lamang ang layo ng aming mga mukha.
"Eight o'clock. Tonight. Be in your room," seryoso niyang bulong sa akin saka mabilis akong nilampasan at saka padabog na nagtungo sa kanyang silid. Bahagya pa akong napaigtad nang malakas nitong isara ang pinto ng kanyang kwarto dahilan upang umalingawngaw ang tunog noon sa buong apartment niya.
Kunot-noong sinundan ko ng tingin ang pinto ng kanyang silid.
"What's his problem?" takang tanong ko sa aking sarili nang mabakas ko ang inis sa kanyang mukha nang ipaalala ko sa kanya ang usapan namin. Sa huli ay ipinagkibit-balikat ko na lamang ang kanyang reaksyon saka buong siglang sinimulan muli ang aking mga gawain.
Mabuti na lamang at automatic ang washing machine niya kaya hindi ako nahirapan sa mga labahin. Ngunit ang labis na nakapagpahirap sa akin ay ang mga kalat nito sa bahay at ang mga nakatambak na hugasin.
Pumupunta ako rito isang beses sa isang araw upang maglinis ngunit sa bawat araw ay padami ng padami ang kalat ng kanyang apartment imbes na mabawasan. Wala namang problema sa akin iyon ang kinaiinis ko lamang ay makalipas ang isang linggo mula nang aming pag-uusap ay wala pa itong babaeng dinadala sa kanyang apartment.
May isang bahagi ng aking utak ang natutuwa dahil wala itong babaeng nakakaniig ngunit ang isang bahagi nito ay nagnanais na masundan nang muli ang mga iyon upang makapagsimula na akong magsulat.
"Nababaliw ka na, George," turan ko sa aking sarili.
Napapitlag ako nang may biglang pumasok sa kusina kung saan ako naroon. "I'm hungry," masungit na bungad ni Grant sa akin.
I don't know what causes his sudden change of mood. Kanina naman ay masaya pa niya akong binati nang kumatok ako sa kanyang pinto upang simulan ang aking daily routine na paglilinis ng kanyang apartment.
Imbes na patulan ang pagsusungit niya ay ipinagpatuloy ko na lamang ang aking niluluto. "Malapit na itong matapos. Konting hintay na lang makakakain—" naputol ang aking sasabihin nang umikot ako at ang matigas niyang dibdib ang bumulaga sa akin.
"I'm hungry," pabulong na ulit nito habang mariing nakatitig sa aking mga mata.
Pakiramdam ko ay unti-unti akong natutunaw dahil sa tindi nang mga titig niya. Para nanunuot iyon sa aking buong katawan at nagdadala ng kakaibang init na ngayon ko lamang naramdaman. Napalunok ako at tila nawalan ng kakayahang magsalita dahil sa labis na kaba dulot ng pagkakalapit naming dalawa.
"I-I heard you the first time. Kaya nga minamadali ko na ang pagluluto—"
"I'm hungry," seryosong ulit nito sa akin.
Ngayon ko lamang napagtanto na maaaring ibang gutom ang tinutukoy niya. Mas lalo ko iyong nakumpirma nang masuyo niyang hagudin ng tingin ang aking kabuuan. Mariin akong napalunok nang tumigil ang kanyang mga mata sa ibabaw ng aking dibdib.
"G-Grant..." mahina kong bulong. Hindi ko alam kung para saan ang bulong na iyon. Magkahalong pagpigil at pagsusumamo iyon. Part of me want him to push away while other part of me want to grab his nape and crashed my lips onto his.
"I want to ravish you right now," mapang-akit nitong bulong sa akin habang halos isang dangkal na lamang ang layo ng aming mga mukha.
Hindi ako agad nakasagot sa kanyang tinuran. Naumid ko ang aking dila dahilan upang hindi ako agad makasagot. Bukod sa hindi ko rin sigurado kung ano nga bang dapat kong isagot sa kanyang sinabi.
That I wanted to ravish him as much as he does? Palala na ata ng palala ang pagpapantasya ko sa lalaking ito. Kung dati ay sapat na sa akin ang marinig lamang ang mga ungol niya, ngayon ay tila gusto ko nang matikman ang kanyang mga labi at maging dahilan ng kanyang pag-ungol.
Hindi ko namalayang kanina pa pala akong nakatitig sa kanyang mapupulang labi. Itinapon ko ang lahat ng inhibisyon sa aking isip at akmang susunggaban ko na ang kanyang labi nang bigla itong lumayo at mabilis na tumalikod sa akin.
Naiwan akong tulala sa loob ng kusina. Ilang minuto rin ako sa gaanong kalagayan. Bumalik lamang ako sa aking tamang pag-iisip nang marinig kong umapaw na ang sabay sa nilulutong kong sinigang, dahilan upang tumapon iyon. Dali-dali kong tinanggal ang takip at hininaan ang apoy upang mapigilan ang pag-apaw noon.
Natampal ko ang aking noo nang maalala ang katangahang muntik ko nang gawin. I was about to smash my lips onto his. Nakakahiya! Why would he say those words just to run off? Pakiramdam ko tuloy ay may mali sa akin. Hindi ba ako kaakit-akit sa kanyang paningin?
*************
ILANG oras na ang nakalipas mula nang umalis si Grant. Mag-aalas sais na ng gabi ngunit hindi pa rin ito bumabalik. Matapos ang lahat ng aking mga gawain ay hindi muna ako bumalik nang aking kwarto upang hintayin ang pagbabalik ni Grant. Ngunit makalipas ang ilang oras ay bigo akong makita siyang muli. Bahagya na ring lumamig ang niluto kong sabaw. Hindi ko na nagawang kumain dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa aking isip ang mga katagang kanyang tinuran kanina.
Did he really mean that?
Si Grant lamang ang makakasagot ng tanong na iyon ngunit paano niya magagawa iyon kung wala ito dito.
Nang mapansing kong malapit nang mag alas otso at wala pa ring kahit anong bakas ni Grant ay napagdesisyonan kong bumalik na lamang sa aking apartment. Matapos makapasok sa aking unit ay agad kong tinungo ang banyo at mabilis na nagshower.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas akong nakatapis lamang ng tuwalya. Maya-maya pa nga ay nakarinig na ako ng ingay mula sa kabilang kwarto. Boses iyon ng babae at si Grant. Magkahalong tuwa and kirot ang aking nararamdaman. Hindi ko maintindihan kung bakit ngunit hindi ko magawang matuwa ng tuluyan.
Matapos kasi nang nangyari kanina ay hindi ko na magawang maalis sa utak ko ang mga salitang iyon. Pakiramdam ko ay may kung anong bagay na binuhay ang mga salitang iyon sa aking pagkatao.
Mabibigat ang aking mga paa na lumapit sa aking lamesa kung saan nakapatong ang aking laptop. Binuhay ko iyon at saka bahagyang tinitigan ang monitor. Nang magsimula ang ingay sa kabila ay kasabay din noon ang pagtipa ng aking mga kamay. Bagama't may kakaiba ang mga ungol ngayon, hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Itinuon ko na lamang ang aking buong atensyon sa aking sinusulat. Kailangan kong mabawi ang ilang araw na wala akong naisulat.
"Ooohh, yes, Grant! F*ck me more!" malakas na ungol ng babae.
Bahagya akong napahinto nang marinig ko ang turan ng babae. Mas lalo kong idinikit ang aking tainga sa dingding upang marinig ang tugon ni Grant. Ngunit bahagya akong nagtaka nang hindi ito sumagot bagkus ay tanging ungol lamang ang tugon niya. Malayo iyon sa madalas kong marinig sa kanya noong mga nakaraang araw.
One thing I'm sure about is that Grant loves to dirty talk when he's having s*x. What's with him tonight? Dahil ba napilitan lamang ito dulot ng aming napagkasunduan?
"Ooooohhh" ungol ng lalaki.
Mayroon talagang kakaiba ngayong gabi ngunit hindi mawari kung ano iyon. Mabilis kong pinilig ang aking ulo upang iwaksi ang kung ano mang pagtatakang nabubuo sa aking isip. Kailangan kong matapos ang aking sinusulat kaya naman muli na akong bumalik sa aking laptop at nagsimula muling tumipa ng mga letra.
Nangangalahati pa lamang sa aking sinusulat nang bigla kong mapansin na wala ng ingay mula sa kabila. Tumingin ako sa aking orasan. Lumalim ang kunot ng aking noo nang mapagtanto kong isang oras pa lamang ang nakakalipas simula nang marinig ko ang kanilang mga ingay. Dumadag lamang iyon sa haba ng listahan ko na labis kong ipinagtataka.
"What the f*ck?" tangi kong nasambit. Muli kong idinikit ang aking tainga sa dingding upang masigurong tumigil na nga ang ingay mula roon. Baka kasi saglit lamang silang nagpahinga o baka naman ay nagbago lamang ng posisyon.
Like you're an expert, George? sarkastikong turan ko sa aking sarili. Tumayo muna ako sa lamesa kung saan ako nagsusulat saka naglakad-lakad palibot sa aking silid. Naghihintay ako na muling magsimula ang ingay kabilang kwarto ngunit walang ingay na naganap. Naglalakad ako nang pabalik-balik sa loob ng aking silid. Nag-iisip kung ano nga bang dapat kong gawin.
Should I check on them? I haven't even finished one chapter. Mariin akong pumikit saka malakas na bumuga ng hangin bago ko inipon ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako. Matapos iyon ay agad akong naglakad palabas at mabibigat ang mga paang nagtungo sa harap ng unit ni Grant. Makailang ulit akong napalunok bago tuluyang kumatok sa kanyang pinto.
"You've got your money. What else do you want?" bungad ni Grant sa akin nang buksan niya ang pinto. Natigilan ito at tila biglang kinabahan nang makita niyang ako ang nasa likod ng pinto.
Agad kong itinaas ang aking kilay nang mapagtanto ko ang tinutukoy niya. "Expecting someone?" taas-kilay kong tanong sa kanya.
"What are you doing here?" tanong niya, totally avoiding my question.
"Is she still there?" tanong ko habang pilit kong pinapahaba ang aking leeg upang masilip ang loob ng kanyang bahay.
Agad naman niyang pinaliit ang bukas ng kanyang pinto na tila ba may tinatago. Pilit nitong tinatakpan ng kanyang katawan ang natitirang awang upang wala akong makita na kahit na ano.
"What do you want?" iritableng tanong niya.
"I want you to fulfill your part in our deal," mataray kong turan habang nakahalukipkip sa kanyang harapan.
"I did. I bet you heard it," sagot niya.
"Hindi ko alam kung ano. Pero may mali, may kulang," malabo kong sagot.
"What?" he chuckled.
Kahit ako ay naguluhan sa aking sinabi. Hindi ko maipaliwanag nang mabuti ngunit alam kong may kulang at mali sa nangyayari.
"Basta!" tila batang turan ko kasabay nang pagpadyak ng aking mga paa. "Do what you always do. Saka bakit ang bilis n'yong natapos? It's just been an hour."
"Inoorasan mo ako?" natatawang tanong niya.
Bigla naman akong namula nang mapagtanto ko kung ano ang aking sinabi. "Basta! Gawin mo na lang. May usapan tayo!" mataray kong turan sa kanya habang pilit na ikukubli ang aking pagkapahiya.
"Okay. Go back to your. I'll give you what you want," turan nito habang may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.
Hindi ko maipaliwanag ngunit bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa paraan ng kanyang pagtitig at ang pilyo niyang mga ngisi. Tila ba may iba iyong ipinahihiwatig at ang bawat niyang mga salita ay patungkol sa akin. May kakaibang kiliti at init ang gumapang sa aking katawan habang ako nakatitig sa kanyang mga mata.
"Aren't you going back to your room?" nakangising tanong niya. "Or you want to stay here and watched me do my magic?"
Tila ako binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagkapahiya. Ngunit pilit kong itinago iyon at saka mariin siyang inirapan bago tumalikod at bumalik sa aking apartment.
Nakahinga lamang ako nang maluwag nang tuluyan kong maisara ang pinto. Nang makabawi ako sa labis na kaba ay agad akong bumalik sa aking silid at umupo sa harapan ng aking laptop. Ilang saglit pa nga ay nakarinig akong muli ng ingay sa kabilang silid.
Hindi gaya kanina ay wala akong naririnig na ungol ng babae. Pulos ingay, ungol, at ulos lamang na nanggagaling sa boses ng lalaki ang aking naririnig. Dali-dali kong sinimulan ang pagtipa ng mga letra habang palakas ng palakas ang ungol ni Grant.
"Aaaahhh, do you like that, huh?" ungol niya. "Do you like my c0ck inside you? Oooohhh," dinig kong ungol ni Grant dahilan upang magtayuan ang lahat ng balahibo sa aking katawan.
Oh f*ck! That was hot! turan ko sa aking sarili. Nanginginig ang aking mga kamay habang tumitipa nang bawat letra sa aking keyboard. Nagpatuloy pa ang mga ungol niya at habang tumatagal iyon ay mas lalong nagiging mapusok ang mga salita ni Grant.
"Ooooohhhhh, yes! F*ck me hard, George!" malakas niyang ungol dahilan upang mapatigil ako at manlaki ang aking mga mata.
"What the f*ck?!"
********************