GEORGE INGAY nang aking telepono ang gumising sa akin kinaumagahan. "Oh, shut up!" sigaw ko sa aking alarm na walang tigil sa pagtunog. Inabot ko ang aking cellphone na nakapatong sa maliit na mesa na nasa ulunan ng kama. Matapos iyong patayin ay muli kong ibinaon ang aking mukha sa malambot na unan. Muli ko na namang nasamyo ang pamilyar na amoy ni Grant na dumikit sa punda. Pakiramdam ko ay saglit pa lamang akong nakakatulog kaya naman gusto ko sanang sulitin ang ilang minuto allowance na inilagay ko sa alarm ko. Akmang muli akong matutulog nang makarinig ako ng pamilyar na boses. "Aren't you going to be late?" turan ng isang baritonong tinig. Nanlaki ang aking mga mata at napabalikwas nang bangon nang marinig ko ang kanyang tinig. "I-I..." Hindi ko maapuhap ang aking sasabihin. Pa