GEORGE MADALING araw na ngunit hindi pa rin tumitigil ang ingay mula sa kabilang apartment. Bagsak na ang katawang lupa ko dahil sa pagod at mabibigat na rin ang talukap ng aking mga mata dahil sa antok. Ngunit hindi sapat ang mga iyon upang hilahin ako ng antok dahil na rin sa labis na ingay na nagmumula sa kabilang unit. "Aaargh!" Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na sinupil ang aking sigaw at hinayaang marinig ng kapitbahay iyon. Gusto kong maramdaman nila ang inis ko dahil sa pag-iingay nila. Bahagyang tumigil ang ingay mula sa kabila. Mukhang epektibo ang ginawa kong pagsigaw. Ngunit ilang minuto lang ang nakakaraan ay muli na namang nag umpisa ang kanilang kantahan at hiyawan. "The hell!" sigaw kong muli ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na nila binigyang pansin ang aking sigaw