GEORGE GABI na nang tuluyan kong marating ang aking apartment. Isang mabining tango lamang ang ginawa kong pagbati sa mag asawa na saktong kararating din lamang sa kanilang unit. Agad akong pumasok sa loob ng aking apartment upang makaiwas sa kung sakali mang kausapin nila ako. Wala ako sa mood ngayon para makipag socialize sa kapitbahay. The last time I did that I got my heart broken. Nasa salas pa lamang ako nang aking apartment ay dinig na dinig ko na ang ingay mula sa kabilang unit. Gusto ko sanang magsulat ngunit hindi ko maiwasang marindi sa kanilang ingay. Nariyan pa at nagsimulang magkantahan ang buong pamilya na tila ba may okasyon. Napahawak na lamang ako sa aking ulo dahil sa sobrang inis. Ayaw ko namang sitahin ang mga ito dahil baka lumabas pa akong walang pakisama. Nagtu