GEORGE KINABUKASAN ay tanghali na kaming lahat nagising dahil na rin sa labis na kalasingan. Bagama't hindi ganoon karami ang aking nainom ay hindi rin naman ako agad nakatulog dahil na rin sa pag-iisip tungkol sa di inaasahang pagkikita naming muli. Lalong mas nagpagulo ng aking isip ay ang tila malamig na pakikitungo sa akin ni Grant. Halos lahat kami ay nagulat nang biglang dumating ang isang hotel attendant at nagdala ng pagkain para sa amin. "Ay! Hindi po kami umorder. Baka wala na kaming pambayad, ang mahal pa naman dito sa hotel n'yo," turan ni Vicky sa hotel attendant na nagdala ng aming pagkain. "Don't worry, Ma'am. Everything is well taken care of. Binayaran na po lahat ni Mr. Montenegro. All you need to do is check out in lobby before you leave," paliwanag nito. Halos lahat