GEORGE NAGISING akong tila pinupukpok ng martilyo ang aking ulo. "F*ck!" impit kong sigaw nang bigla akong makaramdam ng tila barenang bumubutas sa aking ulo. I don't know why people love to drink, this hangover is killing me right now. "Argh!" sigaw ko habang nananatiling nakapikit ang aking mga mata. Bahagya akong natigilan nang humalimuyak ang kakaibang amoy sa paligid. I don't remember having this kind of smell in my room. Tila amoy iyon ng panlalaking after wash. Biglang pumasok sa aking isip ang nangyari kagabi. Ang tangi kong natatandaan ay pagpupumilit ni Steven sa akin bago ako tuluyang nawalan ng malay. Mabilis kong idinilat ang aking mga mata dahil sa labas na kaba. Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na lugar. The room speaks wealth and elegance. Malaki at malambot ang kaman