GEORGE IT was the most painful thirty minutes of my life. Nanatili akong nakatayo sa may kusina habang umiinom ng mainit na kape. Siya naman ay nakaupo sa mahabang sofa na nasa sala habang nakaharap sa kanyang laptop na nakapatong sa ibabaw ng maliit na lamesa sa kanyang harapan. Pilit ko na lamang itinuon ang aking atensyon sa kabuuan ng kanyang condo. Ang mga dingding nito ay napapalibutan ng salamin kaya naman tanaw na tanaw mula doon ang kalakhang Maynila. Bigla tuloy akong nalula dahil sa taas ng kinatatayuan ko. May phobia kasi ako sa mga matataas na lugar kaya naman hindi ko maiwasang malula. Idagdag pa ang hilong nararamdaman ko dahil sa hangover. "You know you could sit here, right?" untag niya sa akin nang mapansin niyang nanatili lamang ako sa may bandang kusina. "I'm fine h