GEORGE "F*ck!" Napapitlag pa ako nang marinig ko ang biglaan niyang pagmumura nang makita niya kung sino ang nasa monitor. "What is she doing here?" inis nitong turan sa kanyang sarili. Dinaan niya lamang iyon ng tingin saka ito mabilis na nilampasan at saka agad pumasok sa loob ng kanyang silid. Ako naman ay naiwan sa may pintuan habang nakatingin sa babae na nasa labas gamit ang monitor. "Grant, I know you're in there. Open the door. Let's talk please," mahinahong turan ng babae sa harap ng monitor. Ako naman ay nanatiling natitigilan habang mariing nakatitig doon. Nagtatalo ang aking puso at isip kung ano bang dapat kong gawin. Gustuhin ko mang buksan iyon ay hindi ko alam kung papaano. Si Grant lang ang maaaring makapagbukas noon. I was about to turn around nang bigla kong marinig