C-2: Blind Date Again!

1572 Words
Dalawang araw lang ay nakalabas na din mula sa hospital si dDon Vidal. Natuwa naman si Rose at the same time ay nakahinga ito nang maluwag at makakabalik na siya sa New York nang matiwasay. Kailangan ng makabalik si Rose sa New York sa lalong madaling panahon at baka igigiit na naman ng mga magulang nito ang kanyang pag-aasawa. "Rose, ngayong nakalabas na ako mula sa hospital gusto kong pagbigyan mo ang aking hiling." Panimula ni Don Vidal sa dalaga nang ipatawag niya ito. Kinutuban naman na si Rose sa magiging takbo ng kanilang usapan ng kanyang Ama. "Dad , blind date na naman ba?" inunahan na ni Rose ang kanyang Daddy. Bumuntonghininga naman si Don Vidal at marahan itong tumango. Naningkit naman ang mga mata ni Rose na tumitig sa mukha ng Daddy niya. "Hindi ba kayo napapagod sa kakahanap ng blind date ko?" Bagkus umiiwas nang tingin si Don Vidal sa kanyang bunso ay nagawa pa din nito salubungin ang nanunumbat na tingin ng dalaga. "Kakalabas niyo pa lang po mula sa hospital pagkatapos blind date ko na naman ang inaasikaso niyo?" Sabi pa ni Rose. "You will understand me when you become a parent just like me today Rose Velvet!" Giit ng Don. "Hindi Dad! Hahayaan ko ang magiging anak ko na piliin kung ano ang gusto niya. Kung sinong lalaking gusto niyang makasama sa habang buhay!" Katwiran naman ni Rose. "Para ano? Pagkatapos walang maisaing at maipa-doktor sa anak na may sakit magsisisihan? Maghihiwalay agad- agad ng dahil sa kahirapan at hindi na magkasundo ganoon ba ang gusto mo?" May galit na sa boses ni Don Vidal. Napaawang na lamang ang bibig ni Rose pagkatapos ay bumuntonghininga ito. Napailing-iling na lamang si Rose bumalik na naman ang bangayan nilang mag-ama. "Ginagawa ko ito para mas secured ang future mo at ang business natin. Ang pagmamahal natutunan iyan, Rose!" Dagdag pa ng Don. "Pero ibahin niyo ako Dad! Hindi ko naman ilalagay ang sarili ko sa alanganing lalaki kung iyon ang iniisip niyo. May sarili naman akong utak at desisyon sa buhay let me be!" Pagpupumilit naman ni Rose sabay dabog. "Walang magiging suwail sa pamilyang ito Rose. Ako pa rin ang haligi ng tahanang ito, batas ko ang masusunod! Kung magpupumilit kang maging independent sa mga gusto mo kalimutan mo na akong Ama mo. Patayin mo ako sa kunsumisyon kung doon ka masaya," mariing sabi ng Don at mabilis na niyang iniwan si Rose na hindi man lang nakahuma. Dahil sa inis at tampo ni Rose ay umalis siya ng Mansyon nang hindi nagpapaalam kaninuman. Dumiretso ito sa kanyang Tiyahing kakampi niya sa lahat ng bagay. "Tita Dina!" Masayang bulalas ni Rose nang makita niya ang Ginang. "Oh my Rose Velvet!" Masayang wika ni Dina at agad niyang niyakap ang kanyang pamangkin. "I miss you dear!" Ngumiti naman si Rose Velvet at kumalas ito yakapan nilang mag-Tita. "I miss you too, Tita!" Aniya. "Have a seat! You look more gorgeous and stunningly beautiful my dear Niece." Magiliw na sabi ni Dina at inaya niyang maupo si Rose. "Anong atin?" Kiming ngumiti si Rose. "Wala Tita! Gusto ko lang makahinga,"sagot ng dalaga. Pilya namang ngumiti si Dina. "Let me guess, nag-away na naman kayo ng cupid father mo!" Natawa naman kahit papaano si Rose sa sinabi ng Tita nito. Actually, iyon na talaga ang tawag ni Dina kay Vidal na asawa ng kanyang kapatid. Mahilig kasi itong mag-match sa kanyang mga anak at mga kamag-anak ng mayayamang mapapangasawa nila. Kaya katagalan ay tinawag na ni Dina kupido si Vidal bagay na tinatawanan lamang ng Don. "Wala namang bago Tita," may inis sa mukha ni Rose. "So, anong gagawin natin ngayon?" Nakakiling naman ang ulo ni Dina na nagtanong kay Rose. "Hindi po ba kayo busy?" alanganing tanong ni Rose. Tumawa naman si Dina. "Basta para sa'yo hija, I can cancel everything!" Tuwang-tuwa namang napapalakpak si Rose sabay hug sa Tita nito. "Thank you Tita! You're the best talaga," tili ni Rose. "Come on, let's paint the town red until dawn!" Agad namang sabi ni Dina at hinila na nito si Rose. Anong tuwa naman ni Rose sa mga sandaling iyon at kagyat niyang nakalimutan ang tampo niya sa kanyang Ama. Actually ay si Tita Dina ni Rose ang talagang halos nagpalaki sa kanya. Dahil nagkasakit noon ang kanyang Mommy at namatay naman ang anak ng Tita Dina niya na parehas lang sila ng edad. Kaya siguro mahal na mahal at spoiled siya sa kanyang Tita kasi nakikita nito ang anak na namayapa sa katauhan ni Rose. Mas close pa nga sina Rose at Tita Dina nito kaysa sa kanyang Mommy Lilian. Pero mahal din naman ni Rose ang kanyang Mommy dangan lamang at wala itong sariling desisyon lalo na kung ang Daddy na nito ang nag-final decision sa isang bagay. Kaya minsan ay nayayamot din si Rose sa kanyang Mommy at naiinis at ang ending, takbo siya sa kanyang Tita Dina. "Saan na naman ba nagsususuot ang anak mo, Lilian! Daig pa niya ang isang lalaki kung maglakwatsa!" Galit na sabi ni Don Vidal kay Donya Lilian nang tanungin nito kung nasaan si Rose. "Hindi ko alam pero baka nagpunta na naman niya sa Tita niya pagkatapos niyong magsagutan kaninang umaga!" Sagot naman ng Donya. "Tawagan mo nga si Dina! Sabi kong may date siya ngayong gabi anong oras na wala pa siya. Ipapahiya pa yata niya ako sa aking Kumpare!" Naggagalaiting utos ng Don. Agad namang tumalima si Donya Lilian at tinawagan niya ang kapatid nitong si Dina. Hindi naman nabigo si Donya Lilian at sumagot naman ang kapatid nito sa kanyang tawag. "Ate Dina nariyan na naman ba ang bunso ko?" Tanong agad ni Donya Lilian kay Dina nang sumagot ito. "Yes nasa akin siya why?" tugon naman ng Ginang. Sumenyas naman si Don Vidal na ibigay ni Donya Lilian ang selpon sa kanya. Mabilis namang ibinigay ni Donya Lilian kay Don Vidal ang hawak nitong selpon. "Dina si Vidal ito," malamig na sabi ng Don. "Vidal! Hinahanap mo si Rose Velvet?" Turan naman ni Dina. "Yes! At kung kasama mo siya pauwiin mo na at naghihintay ang kanyang blind date sa five star hotel!" Diretsang wika ng Don. Tumawa naman si Dina sa kabilang linya. Habang napakunot-noo naman ang Don kung ano ba ang nakakatawa sa sinabi nito. "Akala ko hanggang umaga kami gigimik may date pala siya hindi niya sinabi." Sabi ni Dina nang matapos na itong tumawa. "Puwede ba Dina huwag mo ng kukunsintihin si Rose mas lalong lumalaki ang ulo niya!" Sermon naman ni Don Vidal. "Huwag ka ng magalit Vidal alam mo naman ang dahilan kung bakit spoiled siya sa akin. Ito lang ang karapatan ko sa kanya huwag mo ng kontrahin pa para sa ikakatahimik nating lahat!" Saad naman ni Dina. Hindi naman agad nakasagot si Don Vidal sa sinabi ni Dina. Bagkus ay bumuntonghininga ito at naging kalmado na ang boses ng Don. "Pauwiin mo na siya Dina," mahinahong nang sabi ng Don. Bumuntonghininga din naman si Dina sa kabilang linya. "Saan bang restaurant at ako na ang maghahatid sa kanya doon." Anito. Binigay naman ni Don Vidal ang exact address ng restaurant kung saan magkikita sina Rose at ang blind date nito. "Kaninong anak ito?" tanong pa ni Dina. "Siya ang eldest son ng JJK group, Jake Cuevas!" Tugon ng Don. "Okay got it," sagot ni Dina at nawala na ito sa kabilang linya. Ngitngit naman si Don Vidal nang maisauli nito kay Donya Lilian ang selpon. "Diyan nagmana ang anak mo sa kapatid mong ayaw ayusin ang buhay niya. Idinadamay pa si Rose Velvet," angil ng Don. "Successful naman ang kanyang modelling agency ano ka ba!" Nakairap namang tugon ng Donya. "That's not what I mean! Anong silbi ng successful mo if you have a broken family?!" Turan ng Don. "Tama na. Buhay niya iyon wala tayong magagawa pa!" Mabilis na awat ni Donya Lilian kay Don Vidal at baka kung saan pa mapupunta ang kanilang usapan. Napabuga na lamang nang hangin si Don Vidal at iniwan na nito si Donya Lilian na napapailing na lamang. May apat silang anak subalit natatangi si Rose Velvet. Ito ang may pagka- matigas ang ulo kung sabagay ay hindi literal na lumaki sa kanila si Rose Velvet kaya siguro ganoon ang dalaga. "May blind date ka pala bakit hindi mo sinabi?" Baling ni Dina kay Rose nang maibalik na nito ang selpon sa loob ng kanyang shoulder bag. "Kaya nga ako naglayas eh!" Maktol naman ni Rose. Napangisi naman si Dina sabay gulo sa buhok ni Rose. "Siputin mo na at anak iyon ng kasosyo sa negosyo ng Ama mo. Baka magkaroon pa ng conflict maaapektuhan pa ang partnership nila!" Udyok naman ni Dina. Nanulis naman ang nguso ni Rose ayaw niya nga sanang siputin. Kaya nga siya magpunta sa Tita Dina niya para may dahilang hindi siya makakarating. "Sige na aayusan na kita at ihahatid doon sa set up place ninyo." Dagdag pa ni Dina sa pamangkin nito. "Sige na nga hmmp!" Ingos ni Rose na nakasimangot at may pagdabog pa. Natatawa na lamang si Dina sapagkat nakikita niya ang kanyang sarili kay Rose Velvet lalong- lalo na noong ganoon din ang kanyang edad. Tinagurian nga siyang black sheep of the family noon at mukhang mauulit iyon sa katauhan ni Rose Velvet. But she's successful now iyon nga lang at she's having a broken family dahil sa mapait na nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD