Pagdating ni Rose sa may five star hotel ay agad niyang natanaw ang lalaking ka-blind date niya sa gabing iyon. May pinadala namang litrato sa kanya at details ng pagkatao nito kaya hindi nangapa si Rose upang kausapin ang lalaki.
"Hi! Kanina ka pa ba? I'm Rose Velvet Lagdameo." Agad na bati ng dalaga sa kanyang ka-blind date.
Agad namang ngumiti ang lalaki at mabilis na tumayo sabay lahad sa kamay nito.
"Hello! Randalph Cortez a CEO of Cortez group, nice meeting you!" Proud namang sagot ng binata.
Nagkangitian silang dalawa saka nagkatanguan at sabay na ding umupo.
"What's your order say it and I will tell the Waiter." Sabi pa ni Randalph nang makaupo na sila ni Rose.
Sinabi naman ni Rose ang kanyang order dalawa lang ang kanyang pinili at wala siyang balak magtagal doon para makipag-usap.
"Mas maganda ka pala sa personal. Kaya pala ang dami mo ng tinanggihan na maka-- arrange marriage mo! Ano bang hanap mo sa isang lalaki?" Wika ni Randalph pagkalipas ng ilang minuto.
Napataas kilay naman si Rose sa sinabi ni Randalph sa kanya.
"Kapag sa akin ka makasal I can guarantee you na magbubuhay reyna ka. Lahat ng luho mo ibibigay ko just give me a heir, " dagdag pang sabi ni Randalph.
Mas lalong tumaas ang inis ni Rose sa binata at nahihimigan na niya ang yabang sa katawan nito. Ekis sa kanya ang ganoong lalaki bukod sa mayabang ay mas madaldal pa ito kaysa sa kanya.
"Excuse me, to be honest ayokong makasal sa taong hindi ko mahal. At bago mo makuha ang matamis kong oo kailangan mong paghirapan. Wife materia yata ang hanap mo puwes, hindi ako 'yon!" Tahasang sagot ni Rose.
Ngumiti lang si Randalph sa sinabi ni Rose.
"Alam mo okay lang naman na medyo magpapakipot ka sa akin. Iyan nga ang gusto ko sa mga babae para kahit papaaano ay may thrill naman!" Turan ng binata.
Napangisi naman si Rose at kanyang pinakatitigan si Randalph.
"Blind date ito, Mr. Cortez hindi date ng nagliligawan. Masyado kang mabilis at makumpiyansa sa iyong sarili. Getting to know each other pa lang sana ang level natin pero mukhang kilala ko na ang buong pagkatao mo. Sorry pero I'm not easy to get kagaya ng inaakala mo. You have your company? So was I, Mr. Randalph Cortez!" Supalpal naman ni Rose sa binata.
Hindi naman agad nakapagsalita si Randalph at napatikhim ito kinalaunan.
"You have your wealth? Meron din ako, may pinag-aralan ka likewise to me! So, kung anong meron ka ay meron din ako Randalph. And ito lang ang masasabi ko, this is our first and last blind date. Thank you for your effort but still, I will not jump into an arranged marriage!" Prangkang tugon pa ni Rose
Kita ni Rose ang pagka- dismaya sa mukha ni Randalph at napainom pa ito ng whisky.
"Totoo ngang matalas ang iyong dila mas higit pa sa ano mang uri ng kutsilyo. No wonder tatanda kang dalaga in the future!" Turan ni Randalph nang mahimasmasan ito sa supalpal sa kanya ni Rose.
Ngumiti naman ang dalaga. "Hindi matalas ang aking dila, nagsasabi lang ako ng katotohanan. And I will be proud as an old maid in the future, atleast I'm happy and contented."
Napabuntong-hininga naman si Randalph siya namang pagdating ng kanilang mga order.
"Let's eat para naman wala kang masabi may blind date pa akong isa na naghihintay!" Sabi pa ni Rose at tinikman niya lang ang order niyang Strawberries Arnaud.
Ganoon din si Randalph kapagkuwan ay tumayo na si Rose.
"Thank you and nice meeting you!" Aniya at tuluyan na niyang iniwan ang binata
Mabilis na nakabalik si Rose sa sasakyan ng kanyang Tita Dina.
"Oh...ang bilis naman ang blind date na 'yan!" Bulalas ng Ginang.
Mapaklang tumawa si Rose. "Ekis siya sa akin kaya no need na magtagal pa ako sa harapan niya."
Napataas kilay naman si Dina saka unti- unting tumawa sabay iling.
"Okay puntahan mo na ang ikalawang blind date mo. Remember, tatlo sila ngayong gabi lakas ng amats ng Daddy mo!" Sabi pa ni Dina sabay senyas sa kanyang driver.
Rose rolled her eyes sabay buga nang hangin. Para bang mauubusan na siya nang lalaki sa ginawa sa kanya ng Daddy niya. Ginawa ba namang tatlong blind date in just one night? Akala ba naman ng Daddy ni Rose ay may magic na mangyayari at ma-fall siya agad-agad sa mga ka-blind date niya sa isang gabi.
Next destination ni Rose ay sa isa pang mamahaling restaurant. Hindi na siya nag- retouch at okay pa naman ang kanyang hitsura. Konti lang naman ang stress na ibinigay sa kanya ng una niyang ka-blind date. Mabilis na bumaba si Rose mula sa sasakyan ng kanyang Tita at dumiretso na siya sa lalaking naghihintay sa kanya.
Pagkaupo pa lang ni Rose ay nagpakitang gilas na ang lalaki. Kagaya din ito ni Randalph na presko at mayabang kaya lang ay mas malala ang ikalawa. Buong achievements nito mula Elementary hanggang nagka- negosyo ang sinabi nito kay Rose. Parang inantok tuloy si Rose sa mahabang kwento ng lalaki. At mas mauna pa yata siyang malasing kaysa matapos ang kwento ng binata. Kaya bago pa mas humaba ang kwentong mayabang ng lalaki ay agad ng sinupalpal ito ni Rose. Kagaya ng sinabi niya kay Randalph iyon na ang una at huli nilang blind date.
"Impressive mas mabilis natapos itong pangalawa!" Bulalas ni Dina nang makabalik na si Rose sa kanyang sasakyan.
"Bored siyang kausap Tita. Ikinuwento na niya lahat mula maliit siya hanggang sa naging damulag siyang tao." Tamad ba sagot ni Rose.
Humagalpak naman nang tawa si Dina na sumakit pa ang tiyan sa kakatawa nito. Natawa din naman si Rose at the same time ay inis na inis siya sa kanyang pangalawang blind date.
"Mas mauna pa yata akong malasing bago matapos ang kwento niya," wika pa ni Rose.
"Okay! Let's proceed sa last blind date mo," umiling-iling na turan ni Dina.
Bumuntonghininga naman si Rose at nag- retouch na dahil sumakit ang kanyang bangs sa second blind date niya kanina. May Sea Side Hotel and Restaurant ang place ng third blind date niya. At ito ang sinasabi ng kanyang Daddy na successful heir ng JJK group. Eldest son ng Cuevas kaya medyo malaki ang agwat ng kanilang mga edad pero okay lang kay Rose. Pagbibigyan niya ang kanyang Daddy para hindi na ito uminit ang ulo dahil sa kanya.
Agad na nakita ni Rose si Jake Cuevas sa may isang mesa malapit sa glass of na nakaharap sa dagat. Palagay ni Rose ay ito ang pinaka- matinong blind date niya ngayong gabi. Tumikhim si Rose upang maagaw ang atensyon ng lalaki sa kanyang pagdating. At hindi naman nabigo si Rose agad na lumingon ang lalaki sa kanya sabay ngiti.
"Miss Lagdameo! Please have a seat," sabi ng lalaki at hinila niya ang upuan para kay Rose.
Lihim na napahanga si Rose sa gesture ng binata hindi sila nagkamayan. And he called her in a calm voice and serious face pero maganda ang awra ng mukha nito.
"Jake Cuevas," sabi pa ng binata nang magkatinginan silang dalawa ni Rose.
"Rose Velvet," simpleng sagot ng g dalaga.
"Choose your order please!" Wika ng binata sabay abot kay Rose ng menu book.
"Thanks!" Tugon ng dalaga at mas humanga pa siya sa gentle voice ni Jake at maaaliwalas nitong mukha.
Kahit papaano ay bumalik ang gana ni Rose na sinira ng dalawa niyang blind date kanina. Nag- order lang si Rose ng saffron dahil mukhang may appetite na siyang kumain muli. Mabilis lang na dumating ang kanilang mga order kaya nagsimula na silang mag- usap.
"Ayoko sana sa blind date pero since kilala ng parents ko ang parent mo, I agree. Idagdag pang mag- kumpare ang both father natin. Nakita na kita noon sa mga party but you're too young back then." Saad ni Jake.
Ngumiti naman si Rose.
"Same thought tayo pero pinagbigyan ko ang Daddy baka magtampo. And sorry kung hindi ko maalala na nag-krus na pala ang landas nating dalawa!" Matapat niyang sagot.
Tumango-tango naman si Jake na natawa din dahil sa kanilang mga magulang.
"Bata ka pa eh kaya malaya ka pa while me, hinihubog ng magpatakbo ng aming negosyo. Kaya hindi mo ako matandaan, anyway about sa arrange marriage natin wala akong alam doon." Tugon ng binata.
Napaawang naman ang labi ni Rose dahil pati siya wala siyang kaalam-alam tungkol sa arrange married niya kay Jake. Ang alam lang niya ay isa iyong blind date katulad ng dalawa kanina.
"Teka.. blind date lang alam ko hindi arrange marriage!" Sagot ni Rose.
Tumango-tangong muli si Jake sa tinuran ni Rose.
"Same here. Pero sabi ni Dad kanina blind date daw ito pero pinag-uusapan na nila ng Dad mo about sa wedding natin." Anito.
"No! I mean, they should ask us bago sila mag- decide!" Mabilis na sagot ni Rose na medyo tumaas pa ang boses nito.
"Sa side ko, okay lang basta mabait ang mapapangasawa ko. I'm not getting any younger anymore at may tiwala ako sa pagpili ng parents ko sa magiging Wife ko. I watch you grow, okay na 'yon sa akin." Sabi ni Jake.
Napakurap-kurap naman si Rose.
"What about my side?" tanong niya.
"You should talk to your Dad," tugon naman ni Jake.
Hindi nakapagsalita si Rose mas lumaki ang hinanakit niya sa kanyang Daddy dahil sa kanyang nalaman. Napaigtad pa si Rose nang maramdaman nito ang kamay ni Jake na pumatong sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa.
"We need to build an heir, Rose Velvet for the sake of our families company." Mababa ang boses ni Jake subalit matatag at matiim na nakatitig sa mukha ni Rose.
Marahang hinila ni Rose ang kanyang kamay at ibinaba niya iyon sa kanyang binti. Pilit niyang nginitian si Jake kahit pa nagrerebelde na ang kanyang kalooban.
"I will inform you about my decision pagkatapos kong kausapin si Daddy. Thank you for tonight, I appreciate it!" Wika ni Rose at tumayo na ito.
"I can send you home," habol namang sabi ni Jake.
"Salamat pero I'm with my Tita Dina." Tanggi ni Rose sabay ngiti.
"Okay, ingat!" Sabi na lamang ni Jake at kumaway pa ito kay Rose.
Tumango lang si Rose at mabilis na itong bumalik sa sasakyan ng kanyang Tita Dina.
"Wow! Medyo matagal itong si blind date number three mo, Rose!" Sabi ni Dina na nakangiti nang makasakay na si Rose sa kanyang sasakyan.
Seryoso naman ang mukha ni Rose at agad na napansin iyon ni Dina.
"What's wrong? Nag- away ba kayo ng ka-blind date mo?" Tanong naman ni Dina kay Rose.
Umiling si Rose. "Kay Dad ako galit ngayon Tita."
"But why?" nagtataka namang tanong ni Dina.
Marahas na bumuga nang hangin si Rose Velvet.
"Indeed it's a blind date but behind that ay pinag -uusapan na pala nila ang arrange marriage namin ng ka-date ko?! Nang wala akong kaalam-alam mabuti pa 'yong ka-date ko alam na niya!" Hindi alam ni Rose kung magagalit siya o magtatampo sa kanyang Daddy.
Natahimik naman si Dina pero napapalatak ito na napapailing.
"Kailangan kong makauwi Tita para makausap ko si Dad." Sabi pa ni Rose.
Bumuntonghininga si Dina. "Okay, I will send you home!"
"Always thank you Tita!" Madamdaming sabi ni Rose sabay yakap sa kanyang Tiyahin.
"It's okay!" Masayang wika ni Dina sabay haplos sa likod ni Rose.
Tumango-tango naman si Rose at sumandal na ito nang kumalas siya sa yakapan nilang mag-Tita.
"Here's take this," biglang abot ni Dina kay Rose ang isang hawak nitong selpon.
Kumunot-noo naman si Rose. "Bakit mo ako binibigyan ng phone Tita? Ia have my own cellphone don't worry bago pa ito!"
"It's like that. Use this as your emergency gadgets when things get worse!" Paliwanag ni Dina.
Napaawang naman ang bibig ni Rose naguguluhan man siya ay kinuha na din niya ang selpon na ibinibigay ng kanyang Tita Dina.
"Itago mo 'yan kakailanganin mo 'yan kapag confiscated ang gamit mong selpon." Wika ni Dina.
"Slamat ulit Tita!" Masayang turan ni Rose nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ng kanyang Tita Dina.
Tumango lang si Dina at tumahimik na silang pareho. Pumikit naman kinalaunan si Rose at kung ano- ano na ang naglalaro sa kanyang isipan. At kung magkagipitan, kailangan niyang makaisip nang mabilis na paraan. Dahil talagang ayaw niya sa arrange marriage iyon na lamang ang kalayaan niya bilang anak ng isang mayaman pagkatapos ay balak pa nilang maninipulahin? Ah..hindi siya papayag na maging iyon ay panghihimasukan ng kanyang Daddy kahit ano man ang mangyari, ipaglalaban niya ang kanyang karapatang makapamili ng lalaking magiging katuwang niya hanggang sa kanyang pagtanda.