41 Hindi mawari ni Jessa kong anong pumasok sa isipan ni Jeremy para ipagsigawan nito sa lahat ang nararamdaman nito sa kanya, ni hindi niya alam kong totoo ba ito o isa na naman ba itong pag-trip ng binata sa kanya, marami pa siyang kailangan unahin kesa sa problema niya sa binata, pagkatapos ng eksena na ‘yon nagtatatakbo siya para makaiwas sa mga estudyanteng na nanonood sa kanya, nakarating siya ngayon sa kabilang parte ng gusali ng nurse building kong saan kakaunti lang ang naglalakad, simula nang magtungtong ang paa niya sa pasilyo yong may kakaiba na siyang nararamdaman, animoy may nakamasid sa kanya, isang pakiramdam na madalas niyang maramdaman noong nasa Clara Manor siya. Dahil busy siya sa pagpansin sa kanyang nararamdaman, bahagya siyang nagulat nang may ingay na nang gagalin