I never knew I could feel so much pain, and yet be so in love with the person causing it.... [Klarence] Nakaupo ako paharap sa glass wall, sa likod ng mesa ko. Kanina ko pa iniisip kung paano ko bibilhin yung nakita kong cocktail dress para kay Annika. Nakita ko iyun kanina sa boutique na pinuntahan namin ni Heather, nang bumili ito ng isusuot niyang damit para sa annual Christmas Party ng AMCO Petroleum. Unang kita ko pa lang doon sa damit na yun ay alam kong si Annika lang ang may karapatang magsuot nun. Pero paano ko naman mapapasuot sa kanya yun? Baka pag nalaman niyang sa akin galing iyun eh sunugin pa sa harapan ko. Nang biglang tumunog ang phone ko. Hernandez calling.... "Hernandez. Anong balita." halos pabulong