PA-IMPRESS

1139 Words
[Klarence]                Napagbuntunan ko ng pansin ang ilang pirasong bulaklak na nakalagay sa flower vase sa side table. Pinitas ni Annika ang mga iyon sa mini garden kaninang umaga.             Maingat kong pinalapag ang isang rose mula sa flower vase papunta sa bedside table sa pamamagitan ng isip ko. Ilang araw ko na nga bang pinag-aaralan ito?             Gusto kong may magawa. Nakaka-boring na yung wala kang ginawa kung hindi magpalutang-lutang na lang.             Lingid sa kaalaman ni Annika, kapag naiiwan na akong mag-isa dito sa bahay pagka-alis niya ay nag-aaral ako para mabawasan ang pagkainip ko sa paghihintay ng pagbalik niya. Pinag-aaralan ko kung paano ko mapapagalaw ang isang bagay sa pamamagitan ng isip dahil wala naman akong kakayahang humawak ng bagay.             Bahagyang gumalaw si Annika kaya napatingin ako sa kanya. Wala sa loob na napangiti ako habang pinagmamasdan siyang natutulog.             Ilang gabi ko na rin ba itong ginagawa? Ang magbantay sa kanya sa loob ng kuwarto habang natutulog siya. Oo nga at may kasunduan kaming bawal ako sa kuwartong ito habang nandito siya sa bahay na ito pero tila may magnet na humihila sa akin papunta sa kanya.             Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Bago para sa akin ang damdamin na ito. Nag-aalala ako kapag umaalis siya ng bahay, lalo na kapag kasama yung lalaking tumutulong daw sa kanya. Mas nag-aalala pa nga ako sa kanya kaysa sa kung nasaan ang katawan ko. Hindi ko man naaalala kung ano ako noon, pero ramdam ko ang matibay na bigkis naming dalawa.             Hindi ko napigilang mapangiti nang makita kong bahagyang ngumiti si Annika sa pagtulog niya. She must be dreaming.             Bahagya itong gumalaw. Nagbago ng posisyon. Pero tulog na tulog pa rin ito. Marahil ay sobra itong napagod sa pagpapalipat-lipat sa mga hospital para hanapin ang katawan ko. Katunayan ang maaga nitong pagpasok kanina dito sa kuwarto.             Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa dito. Lalong nadagdagan ang awa ko nang maalala ko iyung kuwento niya nung isang araw na hindi pagsipot ng husband-to-be niya sa araw ng kasal nila. I have this sudden urge to touch her. Gusto kong pawiin kung anumang sakit ang nararamdaman niya.             Why would a man propose marriage and then dump your bride on their wedding day?             If I were the guy, hindi ko pakakawalan ang isang kasingganda ni Annika. I will love her instead. Love?? Paano ko nasabi yun?             Pilit ko iyong inalis sa isip ko. Hindi naaangkop na mag-isip ako ng ganun. Hindi ko namalayan na halos mag-uumaga na. Nakakalimutan ko na ang lahat kapag ganitong nasa harapan ko si Annika.             Ang binabalak kong susunod na gawin ay pag-aralan kung paano humawak ng bagay. Gusto ko sanang mahawakan man lang si Annika.             Lumapit pa ako ng konti dito at saka pinagmasdan ang mukha nito. Para kasing nakakaengganyong haplusin ang ma-krema niyang pisngi. Napatingin din ako sa mga labi nito na bahagyang nakabuka. Muli na naman itong bahagyang ngumiti.             Ano kaya ang laman ng panaginip niya?             Nagulat ako nang biglang nag-ingay ang phone niyang nakapatong sa side table. Bigla akong nataranta nang gumalaw si Annika. Hindi niya ko pwedeng makita dito!   [Annika]               Tunog ng alarm ng cellphone ko ang gumising sa akin. Nakapikit na kinapa ko ito sa bedside table para patayin. Five minutes more...             Pero iba ang nahawakan ng kamay ko. Malambot ito. Bigla akong napadilat para alamin kung ano yun. Siguradong sigurado naman ako na doon ko ipinatong yung phone ko kagabi bago ako natulog.             Rose??             Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Baka namamalikmata lang pala ako. Paano naman magkakaroon ng rose dito? Wala naman akong nakitang rose dito kagabi bago ako mahiga. Pero kahit anong kurap ko ay maliwanag na may rose talagang katabi ang phone ko.             Saan galing ito?             Napatingin ako sa flower vase na nakapatong sa bedside table. Base sa pagkaka-ayos ko doon kagabi, mukha ngang kulang na yung rose na nakalagay dun.             Pero imposible namang nalaglag lang mag-isa yung isang stem ng rose...             Agad-agad akong bumaba ng kama. Dinampot ko ang rose at ang cell phone ko at saka lumabas ng kuwarto.             "Klarence?"             Oo. Tinatawag ko na siyang Klarence ngayon. Pakiramdam ko kasi siya talaga si Klarence, ang boss ni Tito Hernan.             Nagpalinga-linga ako pero wala akong nakita. Nagpunta ako sa kitchen.             "Klarence?"             "Ako ba ang tinatawag mo?"             Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang nakangiting si bossy spirit.             Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Bakit kaya?             "Given naman na ikaw nga ang boss ng Tito Hernan ko. Kaya tatawagin na kitang Klarence. Or should I say.... boss Klarence? Or Sir Klarence?"             "Klarence will do...bakit mo nga pala ako hinahanap? Na-miss mo na ko?" nakangiti pa din nitong sagot.             Tinaasan ko ito ng kilay. "Huh? Nami-miss ka diyan!"             Bahagya itong natawa.             "So bakit mo nga ako hinahanap?" hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi nito.             "May kinalaman ka ba dito?" tanong ko at saka itinaas ang stem ng rose.             Lalo pang lumapad ang ngiti nito.             "Yes."             "Weh? Hindi nga?" hindi ko mapaniwalaang tanong sa kanya.             Nagbaling ito ng tingin sa gawi ng induction cooker.             "Ay, palaka!!" malakas kong sigaw nang bumagsak ang takip ng kaldero na nasa ibabaw sa tabi ko.             Hawak-hawak ko ang dibdib ko habang palipat-lipat ang tingin ko sa bumagsak na takip ng kaldero at sa nakangiting si bossy spirit.             "P-Paanong nangyari? Paano mo ginawa?" sunod-sunod kong tanong.             "Ikaw kasi.... lagi mo kong iniiwan dito. Wala akong magawa. Kaya pinag-aralan ko kung paano magpagalaw ng bagay," pagmamalaki pa nito.             "Ah ganun? Saan ba ako nagpupunta kapag nawawala ako? Aber?" tanong ko dito at saka nameywang.             Pero ang intensiyon ko lang naman ay biruin ito.             "Nakikipag-date," tila nanunumbat na sagot ni bossy spirit.             Natigilan ako. Biro pa ba yun? O totoo na?             "Excuse me?" taas-kilay kong tanong dito. Agad itong nag-iwas ng tingin sa akin.             "Joke lang.... Oo na! Inaasikaso mo yung problema ko..."             "Bakit parang masama ang loob mo?" nangingiting tanong ko dito.             Pilit kong binabasa sa kanyang mukha kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Parang may pagtatampo kasi akong nakita sa mukha niya. Pero bakit??             "Ano namang karapatan kong sumama ang loob sa yo?" tanong nito na parang teenager na nagtatampo. Lihim akong napangiti.             Ang cute lang...             "Ano nga ba?" nang-iinis na tanong ko sa kanya.             Tila naman naubusan siya ng isasagot sa akin. Naisipan kong lalo itong inisin.             "Siguro...may gusto ka na sa kin noh?" biro ko.             Kita ko ang pagkagulat sa mukha nito kaya lalo ko pang dinagdagan ang pang-iinis ko.             "Sabagay... sino ba naman ang hindi magkakagusto sa akin...kaya lang... paano mo ko idi-date niyan? Ako lang ang nakakakita sa yo. Baka mapagkamalan akong baliw ng mga tao." nakangiti ko pang sabi.             Nakita kong biglang naningkit ang mga mata nito. Bubunghalit na sana ako ng tawa pero nagulat ako nang bigla itong naglaho sa harap ko.             Aba...Walang modo yung espiritu na yun ah! Pikon!!     ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD