Nakaupo ako sa loob ng sasakyan ko sa labas ng mansiyon ng Montenegro. Hinihintay ko si Heather. Tinawagan ko na lang ito at napagpasyahang hintayin na lang dito sa labas. Ayokong pumasok pa at baka makita ko pa si Auntie Elvira. Paniguradong kukuliltin na naman ako nun sa gusto niyang engagement paty namin ni Heather. Pakakasalan na nga ang ampon niya, makapag-demand pa ng engagement party? Hah! Hindi nagtagal ay nakita ko na ang parating na si Heather. Wala naman akong masamang tinapay kay Heather. Masyado lang masunurin kay Auntie Elvira. Sabagay, si Auntie Elvira na lang ang maituturing niyang pamilya. I wonder, hindi kaya niya sinubukang hanapin ang ama niya? Nakita kong sandalling tumayo si Heather sa labas sa tapat ng pintua