Sa loob ng limang taon kong nakasama si Kendrick ay kilala ko na ang ugali niya. At alam ko na kung hindi niya ipinagpalagay sa akin ngayon na sila ang mga magulang na nakagisnan ko ay baka hindi na nga siya nag abala pang kausapin ang mga ito at baka nangyari ng naputol na ang kamay ni mama tulad ng sinabi ng assistant niya. "Huwag mo akong tawaging mama, dahil sinabi ko sayo na hindi ka namin tunay na anak. At bakit? Siya ba ang ipinagmamalaki mo sa amin? Ang lalaking iyan? Huh! Hindi nga nagkamali ang mga balitang naiparating sa amin, na may sugar daddy kang sumusustento sayo. At kahit kailan ay hindi kami tatanggap ng pera sayo na galing sa pagbebenta mo ng aliw." sumbat na naman ni mama sa akin. Sasagot pa sana ako at sabahin sa hindi lang basta kung sino ngayon ang kasama ko. Na as

