"Mayroon akong kaibigan, para maiwasan ang pagka stress mo, dito mo na lang muna ipagpatuloy ang pag aaral mo." napaangat ang mukha ko sa kinakain ng marinig ko iyon. Sinabi niya kanina na kung maari at hindi ko mamasamahin at isipin na ipinagkakait niya ulit ang kalayaan ko ay tumigil na muna ako sa pag aaral at saka ko na lang ipagpatuloy kung nanganak na ako. Sa una ay hindi ako pumayag, pero nakita ko ang pag aalala niya, sa akin o sa dinadala ko na baka may masamang mangyari kung sakali. "Pwede naman sumama ka sa akin sa kompanya at ako mismo ang magtuturo sayo sa tuwing wala akong maraming ginagawa. Related naman ang kurso mo sa trabaho ko, kaya pwede mong ipagpalagay na pumapasok ka rin bilang intern sa kompanya. At least doon nakikita kita at masisiguro ko na nasa maayos ka lang

