"Ms. Sanchez, pinapatawag ka ng Dean." "Bakit daw po, aling Nora?" Tanong ko dito na siyang napagbuksan ko ng pinto ng room namin ni Rosalie. "May naghahanap sayo at naghihintay na sa opisina ng Dean. Hindi ko lang alam kung sino dahil hindi naman sinabi sa akin. Basta sinabi na lang tawagin ka at sabihing may naghahanap sayo." Mahaba nitong paliwanag sa akin. "Sige, aling Nora. Susunod na ako. Magbibihis lamang ako." Maayos ko namang sagot. Umalis na si aling Nora. Naiwan akong nausisa kung sino ang naghahanap sa akin kaya nagbihis na ako para pumunta sa opisina ng Dean. "Saan ka pupunta, ate Avery?" Tanong sa akin ni Rosalie ng mapansin akong nakabihis na. "May naghahanap daw sa akin na naghihintay sa opisina ng Dean, Rosalie. Titignan ko lang kung sino iyon." Maayos kong sagot kas

