TWO MONTHS AFTER "YOU LOOK so great, Sweetheart," masuyong sabi ni Glenard habang sinasalubong siya sa pagbaba sa hagdanan ng resthouse nila sa rancho. Alas nuwebe ng umaga noon. Gayak na gayak sila pareho dahil a-attend sila ng kasal nina Brent at Pauline. Ikakasal ang mga ito sa simbahang pinagkasalan din nilang dalawa. Hinawakan nito ang isang kamay niya bago siya ganap na makababa. Nang makuha ay inilapit sa labi ang likod niyon at saka hinalikan. Matamis siyang napangiti. Habang papatagal ang kanilang pagsasama ay mas lalo pang nagiging sweet ang kanyang asawa. Kahit paano tuloy ay naging malaking tulong iyon sa kanya para mabilis makapag-adjust sa pagkawala ng kanyang Mama Cassie. Nandiyan lang kasi palagi ang asawa kapag nalulungkot siya. "Thank you. You're handsome as well, Hon.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books