LIEGH Tahimik akong nakaupo at walang kahit anong namagitang usapan sa amin ni Declan hanggang sa nakarating kami dito sa bahay. Walang kahit isa sa amin ang may lakas ng loob na magsalita at magbukas nang usapan at piniling manahimik na lang. Hindi na rin ako kumibo dahil ayaw kong ma-trigger ulit ang isipan ko ng mga bagay na hanggang ngayon ay dahilan kaya nalilito ako. Sa kalsada nakatuon ang paningin namin ni Declan hanggang sa nakarating kami sa bahay. Naabutan namin si mommy na nanonood ng television sa sala at sinabing tulog na umano ang mga anak ko. "Declan, I need to speak with you. Please come to my office right away," sabi ni Daddy Collin ng dumating ito dito sa sala habang nasa tenga nakatapat ang cellphone nito. "Alright dad, ihahatid ko muna ang asawa ko sa room namin.

