LIEGH Pauwi na kami ni Declan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Gosh nakakahiya pala ang pinaggagawa ko noon. Ako pala ang pasimuno ng kwentong kumalat sa mga ususerang marites sa bawat sulok ng Pilipinas tungkol sa gender issue niya. Kaya pala gano'n na lang ang reaksyon ni Declan nang minsan na bumuka ang bibig ko at sinabi dito ang bagay na naisip ko ng sabihin niya sa akin ang pangalan at bigla kong nasabi na baklang billionaire siya dahil ako pala ang may kagagawan ng balitang iyon. Minsan talaga may mga pangyayari na kahit nakalimutan na ito ng utak ko ay babalik ng hindi inaasahan dahil malaki ang kaugnayan nito sa akin at sa nakaraan. Natutuwa pa si Declan habang nagkukwento pero bigla akong nakaramdam ng hiya. Sabi naman niya destiny raw ang

