LIEGH Awang ang labi na nakamulagat ako sa dalawa. Hindi ko alam kong nag-iisip ba sila. Malapit na magkaibigan si Declan at Dexon kaya malaking gulo kapag nalaman nito na narito sa bahay ang babaeng ilang buwan na niyang hinahanap. Natatandaan ko pa kung gaano ka gloomy ang itsura ng isang iyon ng huling makita ko siya dito kamakailan lang na para bang handang pumatay dahil nawawala nga raw ang babaeng kinababaliwan tapos heto, dito mismo dinala ng dalawang ito. "I think, hindi magandang ideya na narito siya," nag-aalangan na sagot ko. "No, dito ang pinakaligtas na lugar para sa kan'ya. Pinaghihinalaan na ako ni Miller at pati na rin si Amara. Pinuntahan na ng mga tauhan niya ang lahat ng mga tagong properties namin at pati mga hideout kaya bago pa niya matunton si Aubrey, dinala na

