LIEGH "Happy birthday, Andrea!" malakas na bati naming lahat sa nagulat na kapatid ko. Bumaba siya ng hagdan at bumungad sa harap niya ang hinanda namin matapos magkulong sa silid dahil akala nito ay hindi namin naalala ang birthday niya. Nanlalaki ang mga mata at napatakip sa awang na labi ang kanang kamay na nakatingin sa malaking cake na nasa harap niya. Sabi ni mama, pangarap ng kapatid ko na magkaroon ng birthday party gaya nito at may malaking cake kaya lihim na naghanda kami para surpresahin siya. Walang kahit anong ideya si Andrea na may ganito kaming plano dahil walang kahit sino sa amin ang bumati sa kan'ya simula kaninang umaga. "Happy birthday, anak," nakangiti na bati ni papa hawak ang isang bungkos ng bulaklak. Lalong napaiyak ang kapatid ko na nagulat ng husto dahil

