LIEGH Dalawang araw kaming nanatili dito sa hospital. Kahit minsan ay hindi ko iniwan ditong mag-isa ang anak ko gaya ng sabi at kabilin-bilinan ni Declan kahit pa kasama ko ang mommy niya at may mga gwardya sa labas ng silid na ito. Namimiss ko na siya pati na rin ang dalawang mga anak ko pero hindi ko magawang umuwi muna dahil kailangang ako ng bunso ko kaya labis ang pagpipigil ko. Mabuti na lang at panay ang video call ng nanny niya pati na rin ni Amara kaya nakikita ko sila. Dalawang beses lang tumawag si Declan at kinamusta kami ng anak at mommy niya pagkatapos ay wala na. Kahit wala sa tabi ko ang asawa ko ay hindi niya ako nakalimutan dahil araw-araw ay may pinapadala siyang bulaklak sa akin galing sa isang flower shop na bago sa akin ang pangalan. "I love you so much, Liegh.

