LIEGH "Why are you here, babe? Malamig dito, baka nagkasakit at sipunin ka," mahinahon na ang tinig na tanong ni Declan sa akin. "Hinanap kasi kita dahil wala ka sa tabi ko nang magising ako," mahinang sagot ko. "Let's get inside," sabi nito habang marahang pinipisil ang balikat ko. "Sinong kausap mo at bakit galit na galit ka kanina?" curious na tanong ko dahil hindi mawala sa isipan ko na may kaugnayan ito sa akin. Hindi sumagot si Declan kaya nag-angat ako ng mukha at tiningnan ito hanggang sa nagtama ang mga mata namin sanglit bago siya umiwas ng tingin sa akin. "May dapat ba akong malaman Declan? May tinatago ka ba sa akin?" seryoso na tanong ko at hindi inaalis sa mukha ng asawa ko ang mga mata ko. "Liegh, p'wede bang sa akin na muna ang tungkol dito. May inaayos akong problem

