CHAPTER 129

2062 Words

LIEGH Lahat abala ngayon dahil ito ang unang araw na aalis kami at babalik sa dati naming bahay sa Rizal ng asawa ko. Dalawang linggo na ang nakaraan simula ng iligtas ni Declan ang buong pamilya ko sa kamay ni Jacob at wala akong nakitang kahit anong masamang banta sa buhay namin sa loob labinlimang araw na kasama ko sila. Sabi ni Declan wala umano si Jacob sa lugar kung saan niya nakuha ang mga magulang at kapatid ko. Tanging tauhan lamang nito ang naroon dahil mukhang walang ideya ang animal na iyon na lulusubin nila ang kukunin ang pamilya ko sa mismong araw na sumugod siya doon. Ang nakakapagtaka ay tahimik umano ang kampo ni Jacob at mukhang wala itong alam pa sa nangyari samantalang ilang linggo na ang lumipas na nilusob ang teritoryo nito. "Ready?" tanong ni Declan sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD