LIEGH "Very good! Do it one more time, hit the target Liegh!" malakas na sigaw ni Amara mula sa likuran ko habang hawak ko ng mahigpit ang mahabang ripple at nakatutok sa target board sa harap ko. Pang-anim na araw na training ko ito mula ng magsisimula ako kasama si Amara at araw-araw na ginagawa namin ito. Nag-level up na rin ang baril na gamit ko dahil mabilis akong natuto at nasanay na agad ako sa caliber forty-five na baril. Madali lang pala gamitin ito kapag natutunan ng hawakan. Ngayon naman isang assault ripple ang gamit ko. Fully automatic na ito kaya naging madali ang access ko para sa training na ito. "Kaya mo pa?" seryoso na tanong ni Amara nang makita niyang nagpahid ako ng pawis sa noo. Mabigat ang AK-47, mahirap pag-aralan at talagang nahirapan ako sa simula pa l

