LIEGH Nakakainis pala makipag-date kay Declan. Uminit lang ang ulo ko habang naniningkit ang mga mata na inirapan siya. Para siyang may ari sa buong mundo kung umasta at lahat na lang nang tao sa paligid ay hindi komportable sa kung nasaan siya. Ito ang ugali niyang gusto kong baguhin ni Declan. Hindi ko gustong nakikita siyang kinatatakutan dahil sa authority base sa yaman at koneksyon. "Kapag hindi pa tayo umuwi, baka dito pa tayo mag-away, Declan. Kaya kung ako sa 'yo, tatayo na ako d'yan at lalabas na dito," nagpipigil na sabi ko. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang singhap ng ilan sa mga tauhan ni Declan particular sa babaeng tinaasan ako ng kilay. Nilingon ko ang direksyon nito pero mabilis na yumuko ang mga sales lady sa takot siguro na mapunta sa kan'ya ang paningin ko. "Alr

