LIEGH Ang lakas ng kabog nang dibdib ko ng lumapag kami sa malawak na covered court ng barangay namin dito sa central sa Magsaysay, Purok Masanagon. Ilang milya lang ito sa bahay namin dito sa Mati City kaya hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Maraming nagtatakbuhan na mga bata at ilang kabarangay ko ang lumapit sa covered court para tingnan kung sino ang dumating dahil bihira pa sa patak ng ulan na may lumapag ditong chopper, maliban na lang kung eleksyon o kaya naman ay nasalanta ng bagyo. Ilang lunok ang ginawa ko ng si Declan mismo ang nag-alis ng malaking headset na nakakabit sa ulo ko. Saglit na tila tumigil ang mundo ko ng titigan niya ako at hindi ko inaasahan ang biglang paglapat ng labi niya sa labi ko. "Siguro naman walang itak ang sasalubong sa aki