LIEGH "Mano po," magalang na bati ni Declan ng abutin ang kamay ng papa ko. Pakiramdam ko nabulunan ako ng sariling laway ng mapunta sa akin ang nagtataka na mga mata ng aking ama habang hindi pa marahil nag-si-sink in sa isipan nito ang sinabi ni Declan. "May bisita pala tayo," tanging nasabi ni papa ng lumapit ito sa amin matapos magmano ni Declan. "Um, opo, papa," hindi mapakali na sagot ko. "Hindi ka man lang nag-sabi na uuwi ka pala at may mga kasama pa. Aba, 'di sana ay naghanda tayo kahit paano." "Okay lang po, hindi na kailangan. Dumalaw lang kami saglit dito ni Liegh," sagot agad ni Declan kay papa. "Wag n'yong sabihin na kakarating n'yo lang eh, aalis agad kayo?" tanong ni papa. Kilala ko siya, talagang alam ko na hindi basta papayag ang papa ko na umalis kami agad lalo n