LIEGH Nakahiga na si Declan at may kausap sa cellphone nito ng pumasok ako. Suot ko ang lumang pajama dahil hindi ko naman pwedeng isuot ang nighties na dala ng asawa ko. Baka kapag nakita ito ng mga magulang ko mahampas pa ako ng walis tambo at tuluyang hindi palabasin ng bahay. Conservative pa naman ang mga tao dito sa probinsya. Magsuot ka lang ng maikli na hindi ayon sa panlasa nila ay magiging topic ka na ng usapan sa buong barangay. Ito ang labis na iniiwasan namin, ang mapahiya ang mga magulang ko dahil sa maling kilos at galaw namin kaya bahay at eskwelahan lamang ang naging routine ko noon. "Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko kay Declan ng ibaba nito ang hawak na cellphone. "May importante akong tawag na sinagot," sabi nito na in-off ang cellphone. Hindi ko na iwasan na