Chapter 1 - Year 2021

1267 Words
Margaux Arevalo "Heterochromia..." pabulong kong turan nang makita ang isang puting pusa na may dalawang magkaibang kulay ng mata. Lumapit ito sa akin saka tumingala, nagpalinga-linga ako kung nasa paligid ba ang may-ari pero walang tao. Napatingin ako sa malaking bahay na may itim na gate at nakaukit na gintong Ace of Spade-- marahil ay doon ito nakatira. "Lumabas ka ba ng bahay?" nakangiti kong turan saka ito binuhat. Napatingin ako sa mga mata nito, "Magu-- so Magu pala ang pangalan mo?" nakangiti kong turan nang mabasa ang pangalang nasa kwintas nito, "alam mo bang may kilala rin akong katulad mo-- as in magkatulad talaga, malaginto ang isa niyang mata ang isa nama'y maladagat, at tanging ang mga matang iyon na lamang ang naaalala ko dahil malabo na ang mukha nito at higit sa lahat ay nakalimutan ko na ang pangalan nito. Pero alam mo bang ikinahihiya niya ang mga matang iyon, di niya alam na napakaganda ng mga 'yon-- kaya ikaw Magu, huwag na huwag mong ikahiya iyan ha," titig na titig lang ang pusa sa akin na aakalain mong nakikinig, napanguso ako nang mag dilate ang mga mata nito-- ang cute! Naiyak ako sa sobrang ka cute-tan nito kaya niyakap ko ito ng mahigpit. "Magu!" natigilan ako nang marinig ang isang sigaw, nakita ko ang isang lalaki in black suit na lumabas mula sa malaking bahay. Napatingin ito sa akin. Naglakad ito papunta sa kinaroroonan ko, tumalon naman ang pusa at tumakbo papunta sa lalaki. "Thank you for returning her, Miss. If there is anything we can do to repay your effort and compensate the time wasted-- please call this number," bahagya pa itong yumuko saka inabot ang isang itim na business card. "No worries, parang gaano talaga kalaki ang nagawa ko't kailangan pa ng award," nakangiti kong turan saka pinisil ang pisngi ng pusa na hawak-hawak nito. Napangiwi ako ng kumuha ang lalaki ng panyo at ipinunas sa pisngi ng pusa. "You've just saved an entire clan from the magnate's wrath," sagot nito na ikinatahimik ko. "Sa’yo ba ang pusa?" tanong ko. "No, this is our young lord's most valuable property. I advise you to demand any compensation or reward, whatever you call it-- young lord doesn't want any ties or any indulgence from anyone," seryoso nitong turan. "We will be expecting your call tonight. You must drop a call or you'll be in trouble, thank you," dugtong nito saka ako tinalikuran. Tulala akong napatingin dito. Anong in-trouble, may mangyayari ba sa aking masama kapag 'di ako tumawag? Napatingin ako sa itim na card na hawak-hawak ko. Gold embedded ang logo nitong; Letrang M na nasa loob ng Ace of Spade, na may crown sa itaas "Magnus Alphamirano-- pamilyar sa akin ang pangalan nito ah. Business Card ba talaga 'to?" napakunot noo ako nang mapansing mas nagmumukha itong ATM dahil sa gold chip, hologram at magnetic strife na nasa likod nito. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. “Naku naman!” nasapak ko pa ang noo nang mabasa ang text sa akin ng shop na pinag-orderan ko ng specimen. Dali-dali ko itong ini-dial. “Hello po, this is Margaux--” natigilan ako nang magbunganga na ito sa kabilang linya. “Miss, kung wala kang planong kunin ‘to magsabi ka kasi marami pang kukuha dito ng mas mahal!” mariin akong napapikit saka kagat labing napabuntong hininga. “Naku, pasensya na po, medyo natagalan lang po talaga. Papunta na po ako,” may sasabihin pa sana ako kaso binabaan na ako nito. Masyado ba naman kasi akong naaliw sa pusa. Tinipid ko pa ang pera pamasahe kaya mas pinili kong maglakad. Napakasungit talaga ng matandang ‘yon.  Wala pang limang minuto nang tumawag ito ulit, “ano ba, asan ka na, Miss?” singhal nito. “Three minutes na lang po talaga,” this time ay ako na naunang nagbaba. Isinilid ko sa bag ang black card saka matulin na tumakbo, kung di lang talaga mahalaga sa akin ‘yon at kung di lang limited edition ang specimen na ‘yon eh nako bahala talaga sa buhay niya ang matandang 'yon. Swerte niya! Third Person's POV Magnus Alphamirano, given by his name it means the greatest amongst all-- a business magnate and an underworld lord. Prim in stature,  190cm in height with an unreadable emotion-- somewhat unwavering and domineering. He got this fair skin that matches his medium length black straight hair that sometimes reaches and covered his eyes. Those thick, well-formed eyebrows that match his hazel brown eyes that appears golden at the sight of the light match by those dark eyelashes, enhanced by his well-defined jawline and long pointed nose. Strong well-proportioned hands with long slim fingers and broad muscular shoulder-- a long-legged man with a visually appealing thing in between his thigh. No wonder he's given the title of the Nation's Husband. Magnus-- that name marked the title of a King. The only heir of the Alphamirano; the prime family of the upper world-- and the Lord of the underworld. His Bloodline could be traced to the great Sicilian Mafia way back in 19th century Italy.  "Magu!" sambit nito matapos siyang kumain, "Dawson!" tumaas ang boses nito nang di mahanap ang pusa. "Young Lord, we can't find Magu anywhere," pagbibigay alam nito. "Verdammte Scheiße! Find her if you don't want your entire gang to be dead by evening," malamig niyang turan saka tumayo at lumabas ng bahay, sumakay ito sa black limo na nag-aabang sa kanya. Note: Verdammte Scheiße is a German curse word meaning d*mn sh*t! (Ver-dam-te shay-se) "Yes, boss," nakayuko nitong turan saka lumabas ng bahay. Bumukas ang malaking itim na gate ng manor-- the Alphamirano estate at mula roon ay lumabas ang isang black limo. "Halt!" Magnus signaled Mikhael (Mi-ka-el) the consigliere, as he raised his left hand revealing his blue sapphire ring on his index finger. Huminto ang limo at ibinaba ng binata ang bintana, kuminang ang bato ng singsing nito nang tamaan ng araw, wari'y gintong kumikininang naman ang mga mata nito nang tamaan ng liwanag, nakita niyang karga-karga na ni Dawson si Magu habang kausap nito ang isang babae. "My Lord?" sambit ni Mikhael. "Fortfahren," malamig niyang turan saka umusad ang limo. Trans: Proceed "Make sure to compensate that woman-- no matter what," utos niya habang prenteng nakaupo sa likuran. Ayaw niya ang utang na loob-- one of the Alphamirano Doctrine. "Yes, my Lord," anang Mikhael. “Any news about the Key?” tanong nito, mula sa rear view mirror ay nagtama ang paningin nilang dalawa. “No, none yet, My Lord,” nagpalingo-lingong sagot nito. Napatingin muli sa labas si Magnus at kunot noo siyang napadungaw nang makita ang babae kanina na matuling tumatakbo. “What is she doing?” wala sa sarili nitong tanong. “Who, My Lord?” nagugulumihanang tanong ni Mikhael. “That woman.” “Running, My Lord.” “I f*cking know, Mikhael! I mean, why?” bulalas niya. “How would I know, My Lord,” galit na tinapunan niya ng tingin ang lalaki saka napahilot ng sintido, hindi niya naman magawang sumbatan si Mikhael na ngayon ay walang pakialam sa inis na nararamdaman niya. “This is why I hate being indebted, I have this st*pid urge to let her in in my car and help her. You make sure to compensate that woman.” Napahilot ito sa sintido saka prenteng napaupo. "I want you to investigate my underboss-- he seems odd," malamig niyang turan kay Mikhael habang nakatingin sa unahan. "Yes, My Lord," sagot nito ng nakangiti matapos siyang tapunan ng tingin sa rearview mirror.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD