Habang nasa Yate ay inaagapan na nila ng paunang lunas ang mga sugatan. Habang pinupunasan ni Maria si Margaux at pinapalitan ng damit. "Mi lady, let me help you change." Sabi ni Maria sa kanya. Tumango namam si Margaux at saka sumunod dito papasok sa loob ng Yate. Kapawa natigilan si Maria at Hannah nang magkasalubong sila. "Para kay Miss Irene ba 'yan?" tanong ni Maria dito. Tumango ito saka napatingin kay Irene na ngayon ay nakaluhod habang hawak-hawak ang kamay ni Ezio. Duguan pa rin ang suot nitong damit. "Kami muna," bulong ni Maria "Sige," sagot ni Hannah saka lumapit kay Mikhael. Napatingin naman si Mikhael kay Irene at nilapitan ito. "Mi lady," mahinang sambit ni Mikhael. Tumalima naman ang dalaga at saka napatingin kay Maria. "Allow me to help you get dressed, Miss Irene." M

