Pakiramdam ni Dean ay parang dinudurog ang puso niya habang tinitingnan si Joanna na parang criminal na nakatali. Totoong ayaw niya iyong gawin sa nobya. Kaya nga nang i-suggest ni Nicolo ang planong pagseset up sa dalaga ay nagtalo pa sila. Sa kabila ng paghihinakit dahil pinagtaguan siya ni Joanna, ayaw pa rin ni Dean na magalit sa kaniya ang girlfriend. Ayaw niyang isipin nito na tinraidor niya. Pero nang sabihin ni Nicolo kung gaano kadelikado ang misyon ng Animaux mamayang gabi ay pumayag na rin si Dean. Natatakot siyang baka mapahamak ang nobya. Na baka mahuli ito ng mga awtoridad. Yes. Sa kabila nang nalaman ni Dean na isang kalaban ng batas si Joanna, natakot siyang baka mahuli ito at makulong. Kailan man ay pabor si Dean sa ideyang bawat criminal ay managot sa batas. Ngu