"Kapag okay na ang lahat at stable na tayo sa pupuntahan natin sa Australia, tutulungan ko kayong maituloy ang mga pangarap niyo." Napangiti si Joanna nang marinig ang sabi ni Dean sa mga kapatid niya. Nasa Tagaytay Picnic Grove sila noon at nagpipicnic. Bukod kina Reuben at Mark ay sandamakmak din ang palihim na bantay nila sa paligid. Ideya ni Dean na mamasyal sila at magbonding. Ayaw daw nitong ikulong sila sa bahay dahil sa mga nangyari. Natutuwa si Joanna na magkakasundo rin ang asawa at dalawa niyang kapatid. Nakakatuwang tinutulungan ni Dean ang mga ito na tuluyang ituwid ang lumikong landas. Bago raw kasi nakidnap ng Seven Heads ay isang taon nang nagpupulis si Reuben. At si Mark naman ay HR staff na sa isang maliit na hotel sa Bacolod. At ayon sa mga dalawang kapatid ni Joanna