NAPAMAANG si Bearlan nang makita niya si Jullie Anne at humalik ito sa kanya. Dumating na pala ang dalaga. Awtomatikong napatingin siya sa kotseng maghahatid kay Tiffany. Pero wala na ang kotse. Abut-abot ang dasal na lang niya na sana... na sana hindi iyon nakita ni Tiffany. Nangati tuloy siya na habulin ang nobya. Naramdaman niya ang bahagyang tapik ni Rick sa balikat niya, napatingin siya sa kaibigan at umiling ito sa kanya. Naintindihan naman niya agad ang nais ipabatid sa kanya ni Rick. "How are you, Tita?" Nagbesa-beso rin si Jullie Anne sa mommy niya. "I'm good, hija. Kailan ka pa bumalik? Akala ko matagal ka pa doon?" nasurpresang tanong naman ng ina. "Last night lang po, Tita. At buti naman po at bumalik na rin dito si Bearlan." Matamis na matamis ang naging ngiti ni Jullie