"HI, TIFFANY. I'm Rick. Kaibigan ako ni Bearlan," pakilala ng binatang bagong dating na binata. Pilit niyang ngumiti, pero deep with in napapangiwi siya. "Ano'ng gagawin ko? Kasama pala namin ang oppa na 'to? Pa'no ko magagawa ang misyon ko nito? Kainis naman!" "Let's go," sabi naman ni Bearlan na nagpatiuna na sa pagpasok nang marinig nila ulit ang boses babae na nagtatawag ng mga pasahero. Ngumiti si Rick kay Tiffany. "Don't be afraid. I assure you hindi mo mararamdaman na nasa loob ka ng eroplano mamaya kaya tara," saka anito na iminwestra ang isang kamay, pinapauna siya. Totoong napangiti na si Tiffany sa binata at nauna na nga siya. In fairness, mabait naman pala si Rick. Sabagay kahit sa condo nito ay lagi siyang nginingitian. Pinipigilan lang lagi ito ni Bearlan na papasukin siy