"BAKIT ganyan ka makatingin?" nagtatakang tanong ni Rick sa kaniya. Binabantayan nila si Bearlan na nawalan ng malay kanina sa dagat. Buti na lang at pabalik na mula sa paggagala si Rick kanina at narinig nito ang malakas na paghingi ng saklolo niya sa tabing dagat. Naratnan nitong hirap na hirap siya na iahon ang nahihirapan sa paghinga na kaibigan. Napakagat-labi siya. "Hindi ba natin siya dadalhin sa ospital? Baka mapa'no siya, eh!" at puno ng pag-alalang aniya. "Malayo ang ospital dito. Kailangan pa nating tawagin 'yong chopper at hindi pwede 'yon dahil malalaman ni Tita Amelia. Magtatanong 'yon panigurado. Don't worry, I'm sure he's fine already. Napainom ko naman na siya ng gamot niya bago siya nahimatay kanina kaya relax lang." Lalong na-guilty siya. Sobra rin pala ang phobia ni