PART 26

1027 Words

"WHAT happened?" Gulat na gulat si Rick at Manang Rose nang bumungad sa bahay sina Tiffany at Bearlan na basang-basa. Nagkamot-batok si Tiffany. "Nag-swimming pero hindi pala marunong lumangoy." Napanganga si Rick. "Itikom mo nga 'yang bibig mo!" saway ni Bearlan sa dalaga, lamig na lamig ito. "Nag-swimming ka sa dagat, dude? Akala ko—" Si Rick, pero hindi na itinuloy ang sinasabi nito dahil matalim ang naging tingin ni Bearlan dito. "Sige, ang mabuti pa magpalit ka na ng damit mo." Walang imik-imik si Bearlan na iniwan sila at pumanhik sa silid nito. "Manang Rose, ipagluto niyo ng mainit na sabaw 'yon," utos ni Rick sa katulong. "Opo, Sir." Kibit-balikat si Tiffany nang maiwan sila ni Rick sa sala. "Ba't gano'n?" kalabit ni Tiffany sa binata. Naka-pout siya. "Anong ba't gano'n?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD