MAANG na napatingin sa dalawang binata si Tiffany. Pero mas nagulat sina Rick at Bearlan dahil nakita nilang kampante palang kumakain lang ng sitserya si Tiffany sa loob ng silid at nanonood pa ng TV. Hindi tulad ng inakala at ikinatakot nila. "Ano na naman 'to? Nanahimik na nga ako, nanggugulo naman 'tong dalawa. Tss!" sa isip-isip ni Tiffany nang iniwas niya ang tingin sa dalawa. "What the hell are you doing?!" salubong ang dalawang kilay na tanong ni Bearlan sa kanya. Habang si Rick, hindi na napigilan ang sarili na hindi matawa. Napahalagpak na ito. Ibang klaseng babae talaga si Tiffany. "An'ong sinasabi mo diyan?" mahaba ang ngusong tanong ni Tiffany saka dinilaan ang mga daliri niyang may dumikit na cheese. Sayang, eh! Cheese ring kasi ang kinakain niyang sitserya. Binili talaga