KINAGABIHAN. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Gulat na gulat si Tiffany nang katukin siya ni Bearlan nang dis oras ng gabi. "Baka makita tayo ni Madam Amelia." "Shuss!" Inilagay ni Bearlan ang hintuturo nito sa bibig niya. "Huwag ka ng madaming tanong. Mag-jacket ka dali. We're leaving." "Huh?!" "Bilisan mo!" "Magtatanan tayo? Hindi pa ako ready sa pag-aasawa." "Hay! Isip mo talaga advance 'no? Saka na 'yon if wala na tayong choice. Sa ngayon mamasyal muna tayo sa dagat. Sulitin natin 'yong natitira nating oras na magkasama rito sa isla." Napahiyan siya pero sa huli ay kinilig na siya. Gusto niya 'yon! Actually, hindi pa siya natutulog dahil iniisip niya na bukas ay baka hindi na niya makasama ng matagal ang binata at nalulungkot na siya ngayon pa lang. "Sige kukunin ko lang 'yong jacket