KABANATA 66: TAHIMIK ako habang nasa passenger seat. Nakatingin sa labas ng bintana. Malakas ang buhos ng ulan. May bagyo at signal no. 2 pala sa Quezon. Kahapon ang taas ng sikat ng araw. Pagdating ng gabi biglang buhos ang malakas na ulan. Tahimik din si Logan habang nagmamaneho. Siguro ay sinasala pa iyong mood ko. Hindi naman ako galit talaga. Naiinis lang ako na nasa ganitong sitwasyon kami na pwede namang matiwasay kaming maghiwalay pero heto at pinipilit niya pa rin ang amin kahit na ayaw ko. Binuksan nito ang radyo. Kaya boses ng isang news reporter ang naroon. Nagpapasalamat sa sponsor nila. Nabanggit pa ang brand na hawak nila Logan. Humalukipkip ako at nanatili ang tingin sa bintana. Mabuti na lang pwede sa ganitong panahon itong sasak