KABANATA 67: HUMINTO kami sa Mcdonalds. Nagising ako dahil kausap niya na iyong sa cashier. Nakatulugan ko din ang pagiyak kanina. Hindi ko na napansin kung nagsalita pa ba si Logan kasi nga nakatulog na ko. Nakarecline ang upuan. Malamang ng makita niya na tulog ako ay inayos niya iyon para kumportable ako sa upuan. Binalik ko ang ayos ng upuan. Nakikipagusap pa siya sa cashier ng bumaling ako. Sumulyap siya sa akin ng mapansing nagising ako. “Do you want to add something?” tanong niya. Umiling ako. Alam ko naman din kung anong binili niya. Kabisado niya kung ano ang gusto ko. Hindi ko nga binaggit kung saang fast food pero nasa Mcdo kami. Alam niya kasing paborito ko dito. Bumaling ito sa cashier. “Th