KABANATA 80: NAGTAGAL si Logan sa study room. Akala ko saglit lang pero hindi naman ganoon ang nangyari. Matapos kasi na umalis kami sa veranda ay pumasok kami sa loob ni Amber para maglaro. Pagkatapos niyon ay lumabas kami ulit at naglaro sa buhanginan ng bandang hapon. Magdidilim na pero hindi pa rin tapos si Logan. Marahil ay tambak talaga ang gagawin niya kaya ganoon. Naintindihan ko naman dahil nga ilang araw na siyang nakabuntot sa akin at wala namang trabahong ginagawa. Napagod si Amber sa maghapong paglalaro. Hinayaan ko lang siya magtatakbo. Hindi ko na sinusundan basta hindi lang lalayo sa akin. Masyadong energetic si Amber. Susuko ka talaga sa kanya. Pero matapos naman maligo at manuod ng disney movie. Kalahati pa lang ng Frozen.