KABANATA 80: HINDI ko na nagawang pansinin si Logan dahil nakuha ni Amber ang atensyon ko. Mangiyak-ngiyak akong bumaba sa BMW para salubingin ang batang sing puti ng kamias at halos hirap na hirap tumakbo dahil sa sobrang lusog! Ganoon pa rin, bitbit niya ang paborito nitong si Mickey mouse! Nakagat ko ang ibabang labi habang sinalubong siya. “Tita Rica! I miss you!” nagtitili ito at naluluha ng mayakap ako. Hawak pa rin nito ang tainga ni Mickey mouse habang yakap ako. “Aww... I miss you too... good girl ka ba?” tanong ko habang nakayuko at sinisilip ang mukha ni Amber na nakasubsob sa aking tiyan. Pasimple akong nagpahid ng luha. Suminghot-singhot din habang kausap ang bata. Bumaba si Logan mula sa sasakya nito at lumapit sa amin.