KABANATA 72: MAAGA akong nagising kinabukasan para sana magluto ng almusal para sa aming lahat. Kaso mas nauna sa akin si Mama. Syempre, dahil back to school na ang mga kapatid ko. Wala na kasing bagyo kaya maaga siyang nagising para maghanda ng pagkain. Naabutan ko si Logan na nakadapa matulog. Akala ko hindi siya magiging komportable sa paghiga sa sahig pero tignan mo naman nakadapa at tulog na tulog. Mabuti naman at hindi siya nahirapan matulog. Ako kasi natagalan ng kaunti dahil sa kakaisip sa muntikan ng mangyari sa amin kagabi. Bukod pa diyan panay ang text niya sa akin ng nasty jokes na hindi ko na lang pinatulan pero natatawa at may epekto naman sa akin sa tuwing binabasa ko kagabi. “Hindi siya maarte ano?” bulong ni Mama matapos