KABANATA 71: INABOT ko kay Logan ang puting shirt ni Papa. Wala naman kasing iba akong pwedeng ioffer sa kanya. Iyong kay Papa lang ang medyo kakasya sa kanya. Iyon nga lang mukhang magiging hapit sa katawan ni Logan dahil malaki ang katawan niya. Matapos ang hapunan ay kanya-kanya na sa toka ng gawain bahay ang mga kapatid ko. Nakakatuwa na makitang hanggang ngayon ganoon pa din sila. Ako naman ay si Logan ang inasikaso. Naglabas ako ng extrang unan, kumot at kutson para sa kanya. Inusog namin ang mga upuan at pinagtabi para may espasyo siya. “Thanks, baby...” bulong niya. Ang mga mata nito ay patuloy pa rin ang pagpungay. Pumapayag na din akong hawakan niya ako. Tulad ngayon na ang palad nito ay nasa aking beywang. Marah