KABANATA 33: NANG gabing din iyon ay kumain kami sa Rima Mediterranean Treetop Dining. Tanaw ang dagat mula sa kinauupuan namin. Sobrang lamig dahil open area kaya panay ang himas ko sa braso. Dapat bala may mahaba akong manggas. Kaso puro blouse ang meron ako. Isa pa ang mga tao dito halata mong may sinasabi sa buhay. Sa itsura palang, kutis, kasuotan at gamit. Naghuhumiyaw sa karangyaan. Kahit naman si Amber at Sir Logan. Halata din sa itsura na mayaman. Pero ako? Tignan mo pa lang alam mo ng iba sa kanila. Katulong lang nila. Mumurahing blouse, faded jeans at camino strap sandals. Alam mo ng hindi ako kabilang sa alta sociedad. Mukhang napansin ni Sir Logan iyong pananahimik ko. Ang galing nga e, kasi tahimik naman ako kapag kasama siya pero alam niyang may p