KABANATA 34: NASUNDAN ang mga ganoong sweet gestures ni Sir Logan sa akin sa mga sumunod na araw. Hanggang sa inabot ng linggo. Consistent siya sa pinapakita sa akin. Ramdam ko din na seryoso siya. Alam ko din sa sarili ko na kahit hindi ko gustuhin nahulog na ko sa aking amo. Nabighani na sa kanya ng tuluyan. Malalim at hindi ko alam kung kaya ko pa bang umahon sa oras na magising ito at ayaw niya na sa akin. Hindi ko alam kung bakit naiisip ko pa rin na malay ko isang araw. Magising si Sir Logan, ayun at ayaw niya na sa akin. Kahit na pinaparamdam naman nito na hindi siya ang tipo ng ganoong tao. Hindi talaga siya babaero. Habang tumatagal ang pananatili namin sa Villa. Nakakapag-solo kami gabi-gabi sa tuwing tulog si Amber. Kung ano-ano na ang napagkwentuhan. Kaya nala